"Wifey" Iba talaga kapag may asawa kana, malayong malayo sa pagiging magkasintahan. Dati madalas chat at text lang kami nag-uusap ngayon, kasama ko na siya araw-araw. Simpleng buhay lang yung gusto ko para sa family namin, though nakikitira palang kami sa parents niya, masaya naman ako kasi hindi nila pinaramdam na iba ako sakanila. Lumaki ako na walang nanay, kasama ko lola noon kaso kinuha na din siya ni Lord. Kaya itong babaeng to, aalagaan ko siya, papasayahin at siyempre mamahalin ng sobra sobra. 🥰🥰
No comments yet