If you can't buy it TWICE you cannot AFFORD it. Eto talaga ang tama. 💯 Kadalasan kasi sa atin mas inuuna ang luho naten kesa mag invest o magdagdag ng cashflows na maaaring makapagbigay saten ng pambili sa mga bagay na gusto nating magkaroon at maangkin. Lods, nakakapag antay ang lahat ng bagay. Kung may gusto kang bilhin pero sapat lang ang pera mo at ndi mo kayang bilhin ng dalawa o tatlong beses ipagsantabi mo muna. Ang perang yan ay i invest mo muna sa tama hindi sa luho mo o sa mga material na bagay na gusto mo magkaroon dahil mga kaibigan at tropa mo ay meron na sila. Maling mali yun. Sakripisyo mo muna ang mga bagay bagay na yan tsaka na ang luho kapag meron na talaga. Mas mainam na wala ka man mga material na bagay na meron sa iba pero nakasecure naman ang kinabukasan mo at ng pamilya mo hanggang sa ilan pang henerasyon ay kayang buhayin ang angkan mo, then that's the real Asset. Hayaan mo sila kung may mga material na bagay na meron sila at wala ka. Diversify your assets and let's see what will happen after 5-10 years from now. Kasi diba ang ang goal naten dapat is to "retire young and rich." 😉 Happy Friday morning! ☕️🌻🏞 Keep safe! Keep motivated!
No comments yet