Soju, sprite & yakult
Feel ko uminom today pero syempre moderately lang kaya soju lang muna with yakult haha. Once a month lang din kasi ako tumitikim ng mga ganito at di rin ako masyadong umiinom ng mga matatapang na alcohol mga ganito lang na type of drinks haha, so girly.
Kampai!
Look what I have here, maruya and iced coffee haha. Di ko alam kung bakit naging ganito meryenda ko. I'm planning kasi na gumawa ng banana cake kaso wala na pala akong baking powder kaya nauwi sa maruya haha.
Anyways, masarap naman siya at pwede naman palang ipair sa Iced coffee lol.
And finally natapos din ang limang oras na exam namin. Siguro naman deserve ko mag Jollibee ngayon since ilang araw din ako nagreview at nagpuyat haha.
Limang oras kaming nakaupo simula 7:00 am to 12:00 pm kaya gutom na gutom na talaga ako at drain na din ang utak ko sa kaka-analyze ng problem haha.
Tara kain tayo!
I set my alarm at 4:35 am pero in case na Hindi ako magising dahil sa mahimbing ang tulog ko, nagset din ako ng alarm at 5:29, 5:45, at 6:10.
It's time to review again all my notes dahil mamayang alas syete ay midterm exam na namin huhu.
Magandang Umaga po sa lahat!
Time to review!
Midterm namin bukas at maaga pa ang start ng exam namin. 7-12:00 pm ang exam namin, face to face at problem solving lahat.
Itong mga YouTube videos na ganito ay sobrang nakakatulong sakin para mas maunawan ng mabuti ang mga lesson na di ko masyadong nagegets kapag discussion. Kaya buti nalang talaga at may mga engineers na may mga tutorial video na ganito.
Nagcrave ako bigla ng siomai Kaya naisip ko na magprito ng konti. Mabuti nalang talaga at bumili ako ng isang balot ng siomai kasi mas nakakatipid at makakakain ka pa ng marami haha.
Gumawa din kasi ng chili oil at toasted garlic ang kapatid ko kaya perfect pair talaga yun sa siomai. Sa ngayon, ito muna ang meryenda namin. Tara kain!
Scrambled Egg for breakfast.
Isa sa pinakamadaling lutuin tuwing umaga ay ang itlog kaya ito ang niluto ko haha. Dahil sa marami akong gagawin at magrereview pa ako para sa exam namin bukas naisip ko na magprito nalang ng itlog para saglit lang ay luto na kaagad and ready to serve na.
Ano almusal niyo diyan mga mare?
Maaga akong nagising para mamalengke para bumili ng Karne ng baboy, kadalasan kasi kapag mga 9:00 am na wala ng Karne ng baboy dito samin kasi nagkakaubusan na.
Medyo makulimlim ang kalangitan at parang uulan narin kaya di na ako maglilibot libot dito at uuwi narin.
Magandang Umaga sa lahat!
Pagkatapos ng ilang araw na pag-ulan di ko nasilayan ang napakagandang paglubog ng araw. Kaya ngayon pagkatapos naming mag lakad lakad nag hintay muna kami ng ilang minute para abangan ang sunset.
At ito na nga ang kuha ko, sorry sa low quality na picture haha. Medyo may mga madilim pa na ulap pero okay na yan.
Buti pa sa Cavite walang pasok hanggang November 5, dito samin kahit malakas na yung ulan at hangin tuloy parin ang pasok tapos late pa mag announce kung maypasok ba o wala 😅.
Sana nga di na umulan this week para naman matuyo na yung mga damit haha.
Ingat parin po tayo
Dragon Ball Z.
I remember, ito yung pinapanood ko dati tuwing umaga pagkatapos ng balita. Unang anime na sinubaybayan ko at mapahanggang ngayon ay pinapanood ko parin.
Buti nalang at meron ulit nito sa GMA after ng unang hirit haha. Kaso nakakabitin kaya parang mas gusto ko nalang manood sa Bilibili haha.
Tahoooooo!
Ang Ganda ng umaga ko ngayon dahil dumaan dito sa amin ang nagtitinda ng taho. Bihira lang kasi ako makakain neto kasi wala na yung dating naglalako nito dito sa amin.
Kaya sobrang happy ko nang may marinig ako na "tahooo", agad talaga akong tumakbo para maabutan yung naglalako at para bumili haha.
Katatapos ko lang panuorin ang The School for Good and Evil. Ang ganda ng story niya about friendship at power. Super nagustuhan ko yung plot niya at I'm sure marami din sa inyo ang napanood na to or balak palang panuorin.
I've reached my first hundred!
Every day I've spent with you all on this platform has been enjoyable and worthwhile. I'm grateful to all of my pals here. Achievement for the day! Regards, noise.
Payday sale is here!
Nabudol na ba lahat o magpapabudol palang? Haha. Natetempt akong mag check out pero parang di ko naman siguro need po yung gamit na yun kaya next time nalang or di kaya sa 11.11 sale ko nalang bilhin haha.
Rise and shine kababayans!
Ito ang morning scenario dito sa bahay, tinutulungan ng mama ko itong baby goat para makasurvive dahil kagabi nanginginig na siya at ayaw niya na dumede sa kanyang nanay.
Binilhan nalang ni mama ng gatas para sa hayop para maging milk substitute at nang sa ganun mabuhay siya at bumalik ang lakas niya.
Siguro deserve ko naman to after ng stressful week dahil sa quiz at bagyo😅. Chill muna ako dito para man lang marefresh ang mind ko haha.
Anyways, kamusta araw niyo? Umuulan pa ba diyan? Dito kasi umuulan pa ng konti. Ingat parin po tayo
Ganito na kainit kaninang ala una pero nung bandang alas kwatro na bigla bigla na namang bumuhos ang malakas na ulan.
Buti nalang talaga at nagdala ako ng payong dahil kung hindi basang sisiw akong makakauwi sa bahay haha
Late ang lunch namin ngayon dahil naging busy kami kakalinis ng mga nalaglag na dahon at sanga ng puno.
Ginataang Pato ang ulam namin ngayon kasi maraming nalaglag na buko ng niyog dito malapit sa amin kaya naisip namin na mag gata nalang.
Kain po tayo!
Grabe ang lala ng sitwasyon ngayon sa Mindanao 😭. Nakakadurog ng puso makita yung ganitong mga post. Sana naman matulungan sila agad at marescue ang mga tao doon, sobrang kailangan nila ng tulong.
Let's pray for the safety of our kababayan in Mindanao 🙏
Kamusta kayo? Isang buong araw din akong di naka-update dahil walang kuryente dito sa amin at wala ding wifi.
Signal #2 dito sa amin kaya malakas talaga ang ulan at hangin dito kahapon at ngayon. Maraming natumbang puno at poste ng kuryente kaya pahirapan talaga ang pag clearing dito kahapon. Mabuti nalang at okay na ngayon.
For the record, pang walong brown out na to at buti nalang talaga at may solar lights kami na nabili online. Malaking tulong talaga to kahit medyo pricey siya ay sulit naman.
Naglalast yung ilaw niya ng almost 9 hours kaya di na namin need gumamit ng candle kapag brown out. Must have talaga to
Grabe pala talaga ang epekto ng bagyong paeng dito sa Southern region. Nakita ko lang yang picture habang nag soscroll sa Facebook. May caption yan na #PrayforAklan, medyo malapit lang ang aklan sa amin kaya pala ganun din kalakas yung hangin at ulan dito.
Mag ingat po tayo.
Thank you sa bawat Umagang pagpapakilig noise! Mas ginaganahan talaga ako kapag ganito ang bungad ng umaga sakin.
Hindi pa lumaland fall yung bagyo pero sobrang lakas na ng ulan dito. Tatlong araw na ng walang tigil na ulan dito kaya kabikabila din ang pag brown out. Kababalik lang ngayon ng kuryente kaya ngayon lang din ako nakapag update dito.
Sana humina na talaga ng tuluyan ng bagyo, kawawa naman yung mga farmers na madadamage Yung mga pananim nila.
Tadaaa! Our pet rabbit is now a mom of 6 cute baby rabbits. Ganito pala kaliit ang rabbit kapag bagong panganak palang, akala ko dati mas maliit pa dito.
Ang kucute nila kahit wala pa silang balahibo at mukhang gentle din sila at madaling hawakan.
Na intriga na talaga ako sa larong to. Halos lahat ng friends ko nag install na ng game na to at halos mabaliw na sila kakaisip ng ways kung paano masave yung dog sa bees haha.
Pati sa Facebook marami din nagseshare ng doge rescue game moment nila kaya parang mapapa-install na talaga ako ng game na to haha.
At kakambal nga ng malakas na ulan ang maya't mayang power interruption. Ngayon lang ulit bumalik ang kuryente dito sa amin at nag open na nga ako ng noise app ko at ito na naman ang mga unread ko na kailangan kong tapusin hehe.
Umuulan din ba diyan sa inyo?
Isang malamig na Umaga sa inyong lahat.
Walang tigil ang pagbuhos ng malakas na ulan kagabi kaya ito ngayon ang naging resulta.
Bumaha na nga ang ilog sa kalapit barangay namin at maputik din ang daan sa bundok kaya hirap ang mga taga roon na bumaba o pumunta sa kanilang pupuntahan.
At dahil anniversary ng parents ko meron kaming konting handa para sa kanila. Gumawa kami ng buko salad kagabi for dessert at nag turbo narin kami ng manok para ulam namin ngayong gabi.
Sa di inaasahan nag padeliver bigla ang aking kapatid na nasa manila ng Jollibee Spaghetti, Burger steak at Isang bucket ng Jollibee chicken joy.
Mukhang di muna ako makakapag diet nito hahaha.