read.cash Log in

@Audrey

Joined 23 September 2022 · 147 posts

Engineer|Island Girl🏝️

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Audrey

Sobrang lakas na ng ulan dito samin at ang kinakatakot lang namin ay ang mangyari ulit ang ganito kalaking bahay. Throwback picture ito 2 years ago, di ko na matandaan kung anong bagyo ang tumama pero ganito yung naging result dito sa amin. May isang hanging Bridge kasi dito sa amin na isa sa pangunahing tawiran ng kalapit barangay namin papunta sa ibang barangay. Kapag ganito katindi ang haha, hirap silang tumawid dahil madulas ang bridge at malalim ang ilog na babagsakan nila. Mag ingat po tayo palagi.

@Audrey

Morning playlist. Ito talaga ang madalas kong pakinggan tuwing umaga. Kapag nakikinig ako ng mga ganitong klase at genre ng music parang mas namomotivate ako na maging mas productive sa buong araw at sa buong linggo. Parang mood setter siya every day para sakin, nagiging mas calm at focus din ako sa mga ginagawa ko kaya pinatugtog ko rin to tuwing nag rereview ako. Ito yung link sa YouTube para mapakinggan niyo din hehe. https://youtu.be/8t6h3wid0Pg

@Audrey

Rise and shine! Parang kailan lang Monday pa tapos ngayon mid week na naman. Medyo makulimlim dito sa amin at parang babagsak na ang ulan maya maya. Ramdam niyo ba yung lindol? Ingat po tayong lahat.

@Audrey

After dinner snack. Datiyung tig pipiso lang ang nabibili kong ganito pero ngayon may 55g version na tapos merong mas malaki pa dito nasa 18 pesos ata yun binebenta. Ito yung palagi kong binibili tuwing recess nung elementary palang ako hahaha.

@Audrey

Supposedly ngayon ang laban ng para sa athletics kaso sa di inaasahan biglang umulan ng malakas at na postponed ang laro at naresched nalang kinabukasan dahil sobrang putik at dulas na ng tatakbuhan nila. Excited pa naman din sana ako manood at magcheer

@Audrey

But first, breakfast haha. Ang sarap ng breakfast ko oh, reinforced concrete design agad. Pero syempre importante rin talaga ang new lesson/topic para matuto at para magamit din sa pag rereview sa board exam.

@Audrey

Super thankful sa maagang blessings na natanggap ko ngayong araw. Kakagising ko palang pero may dumating na agad sa akin, nakakatuwa at nakakamotivate narin at the same time para mas sipagan ko pa ang pag gawa ng content dito. Thank you noisefam!

@Audrey

I just want to congratulate my best friend for their graduation today. Proud bestie here!

@Audrey

A busy day at school. First and foremost, mag meryenda muna tayo para naman may energy pa para sa event mamaya haha. At dahil nga may Olympics sa school namin, busy ang lahat sa palaro, sa pag checheer at sa pag assist sa mga needs ng player. Kaya full support talaga kami sa team ng Engineering department!

@Audrey

Pet essentials. Buti nalang talaga at may pet essential shop na dito sa amin kung saan makakabili kami ng mga needs ng alaga naming aso. Kompleto Sila dito, meron silang dog food, shampoo, medicine and etc. Dati kasi kapag kailangan namin bumili ng mga pet essentials ay through online pa kaya matagal pa bago dumating kaya mas mabuti talaga na merong physical store kung saan makakabili agad.

@Audrey

Happy Monday everyone! Finally na clear ko na yung unread ko haha. By the way, kumusta kayong lahat? Maayos ba ang tulog niyo? Lunes na naman ngayon at simulan natin ang araw natin na masaya tayo. Have a wonderful week ahead noisefam!

@Audrey

May laro ngayon ang basketball team ng Engineering department at kalaban nila ang CAS department kaya ito kami at todo ang cheer at halos mawalan na ng boses kasisigaw haha. Sobrang intense ng game nila kaya pati kami kinakabahan din sa magiging resulta huhu.

@Audrey

Medyo late na kami nakapaglunch kasi sabi ng mama ko di daw muna kami kakain sa bahay at sa labas muna kami kakain ngayon. Pagkatapos namin magsimba dumiretso agad kami dito sa paborito naming restaurant at dito na nga kami kakain ng tanghalian. Tara kain po tayo!

@Audrey

I'm searching for this book online pero wala ako mahanap. Ito pa naman need ko para mas maintindihan yung topic at discussion ni sir. Buti nalang talaga at pinahiram muna sa akin ng mabait kong classmate itong book niya hehe.

@Audrey

Kahapon tinapos ko basahin at iclear Ang unread ko pero ngayon bumungad ulit sakin yung 263 na unread ko huhu. Pero syempre sisipagan ko at tatapusin ko ulit basahin yan. Magandang Umaga mga kaibigan!

@Audrey

At mukhang maabutan pa ako ng alas dose dito dahil sa sobrang haba ng pila. Halos lahat ng high school students ata ay pumupunta dito para mag avail ng masarap at murang Big Brew milktea and coffee.

@Audrey

So I try this baby face filter sa capcut at ito nga ang naging result haha. Happy naman ako na somehow medyo hawig talaga sa yung picture na to sa mg old baby picture ko haha ang galing. Sino sa inyo ang nagtry din gumamit ng filter na to?

@Audrey

Tuloy parin ang face to face classes namin kahit may event sa school haha. Hahanap at hahanap talaga ng paraan si sir para makapagturo kahit walang classroom na available buti nalang talaga at bukas ang room ng lab kaya doon kami nagklase.

@Audrey

Starting my day with this Big Brew Okinawa Milktea. 1 month palang simula nung magkaroon ng branch ang Big Brew dito sa amin pero halos umabot ng ilang metro ang pila dahil sa sobrang mura at sulit ng drinks na inooffer nila. 1 hour din mahigit kaming pumila haha

@Audrey

Let's go biking! Since wala kaming pasok ngayon dahil may event sa school, naisip ko na mag biking muna ako para naman magkaroon ako ng energy at Isa din ito na mabuting exercise para sa ating katawan. Maganda magbiking dito samin dahil hindi lahat ng daan ay flat surface Kaya mas may thrill kapag nagbabike. Magandang Umaga!

@Audrey

Happy Monday everyone! Simulan natin ang week na ito na masaya at produktibo. Maging masaya tayo sa bawat araw upang maging matagumpay ang ating buong linggo. Have a blessed and wonderful day!

@Audrey

It's Friday! Finally, Friday na naman at bukas weekend na at pwede na magpahinga sa mga school works and activities hehe. Umagang umaga palang pero tingnan niyo naman, halos di na kami makausad dahil sa traffic dulot ng mga maagang pumapasok na estudyante. Di pa naman ako late kasi 9 am pa Yung pasok namin ngayon pero Yung kasama ko dito malapit ng malate haha.

@Audrey

I'm gonna spoil my self today haha. Minsan lang din naman ako kumain sa mga ganitong resto kaya sulitin ko na ngayon. Di ko sure kung mauubos ko ba ito pero parang Kaya ko naman HAHAHAHA. Tara kain tayo!

@Audrey

Hanging Bridge. Sino sa inyo ang nakapagtry na tumawid sa hanging Bridge kagaya nito? Actually ito ang dinadaanan namin kapag pupunta kami sa bayan or sa school namin pero ngayon may pinagawa ng ibang daan kung saan di na kami dadaan dito sa medyo shaky na hanging Bridge na ito. Kahapon dumaan ulit ako dito kasi mas malapit kapag dito ako dadaan papunta sa bahay ng mga tita ko compare doon sa bagong daan. Napansin ko nga na medyo di na nila inaayos at marami nang sira ang hanging Bridge na ito Kaya medyo nakakatakot na daanan at baka mahulog ka pa sa maling hakbang mo lang haha.

@Audrey

Street Foods. After kong mamalengke kanina nakita ko ang food cart ni kuya kung saan nagtitinda siya ng iba't ibang klaseng street Foods. Almost two months narin nung last akong kumain ng mga pagkaing ganito Kaya nagcrave talaga ako bigla pagkakita nito. Bumili na nga ako ng dalawang isaw at sampung pisong kikiam, sobrang sarap talaga at di nagbago Ang timpla ng sauce nila. #food

@Audrey

It's pizza time! For some reason nag crave ako bigla ng pizza and I dunno why if nababasa ba ng kapatid ko ang nasa isip ko haha lol, kasi bigla nalang siya nagsabi na "order ka nga ng two box of pizza". So syempre sobrang happy ko naman at ako na din pumili ng flavors haha. Itong pizza na hawak ko ang flavor niya is shawarma, Isa to sa paborito ko dahil parang two in one siya, may shawarma ka na may pizza ka pa ganern haha. #food #pizza

@Audrey

We're having face to face classes. Medyo nakakapanibago pa nu'ng una but as the days goes by, bumabalik na din sa dati yung feeling na naeexcite ka kapag papasok ka or kaya kakabahan ka kapag may surprise quiz at recitation. But all in all, I miss hanging out with my friends and schoolmates. Hopefully magbalik na talaga sa dati Ang lahat, Wala ng facemasks, lockdowns and COVID related things. Keep safe guys!