Magandang gabi!!! Sobrang lakas ng ulan..biglang buhos.. Masarap mag ulam ng may sabaw. Pero para sa dinner namin ngayon. Eto ang pakbet..masustansya na sobrang sarap pa.. Nakakatuwa lang din kasi gustong gusto ng anak ko at ng kapatid kong bunso. Tuwing magluluto ako ng pakbet ubos agad..mabenta sakanila.nakakatuwa kasi ibig sabihin masarap talaga ang luto ko..hehe Kumain nadin ba kayo?anong ulam niyo?
Hello noisers!!! Isang mainit at maalinsangang tanghali sa inyong lahat!!! Nananghalian na ba kayo? Tara kain muna tayo nilagang mais. Nakakatuwa kasi kahapon naglaga ulit ako at matamis siya. Bagong pitas kaya matamis. Fresh na fresh... Gustong gusto ng bunso ko nakakatuwa.. Mayat maya naghahanap eh.. Meryenda muna tayo.. Tara!!!
Hello hello!!! Goodmorning noisers!! Have a nice day!!! Kumusta na kayo? Late na kame bumangon kaya late nadin breakfast. Kaya nagprito nalang ako ng egg tsaka nagsangag nalang. Gusto din ni bunso kaya sakto lang pala. Ang bebe ko hindi na makakain ng wlang laver(dried seeweeds) naloloka ako. Ngayon paubos na yung binili ko. Kailangan makabili ako kasi pag naubusan naku baka maghanap eh wala na. Baka umiyak nanaman hehehe. Peyborit niya.. Kada kain nia dapat merun siya…
Good evening noisers!!! Kumusta kayong lahat? Kumain na ba kayo? Anong ulam niyo? Ulam kami ngayon ng tinolang manok Wagi nanaman ang dalwang anak ko hehe. Pag may sabaw ang ulam madaming nakakain si bunso. Hindi siya mahilig sa karne pero sa sabaw talaga higop wagas hehe.. Kain tayo!!!
Magandang gabi mga kanoisers!!! Im back again.. 3 weeks na pala ang nakaraan , nung last update ko dito sa noise ko. Ngayon lang nanaman. Busy ang ateng niyo eh hehe. Kain na tayo mga kanoise.. Itlog ulam natin tska noodles hehehe.. Pang almusal.. May ulam pa kasi kami n ntira kgabi kaya itlog muna niluto ko ngayon. Bet din ng mga junakis ko eh.. Hejejeje Tara Lets eat!!!!
Hello mga noisers!!!! Magandang hapon.. Mag aalas dos y media na...ngayon palang kami kakain ng lunch.. Late na kasi kami kumain knina ng agahan kaya ayun. .. Makulimlim ngayon. Kaya mukhang maaga pa. Pagtingin ko sa orasan late nadin pala.. Kain tayo mga kanoisers.. Ulam tayo ng sotanghon. Sardinas sahog na may pechay. Yummy !!!!
Hello hello!!! Magandang tanghali sa inyo mga kanoisers!!! Kumusta na ulit???? Im back again.. Busy lately hehe Kaya wla nanaman update... Kain tayo sorbetes, pampalamig sa mainit na panahon.. Ang alinsangan sobra. May dumaan na nagtitinda.. Pinara nanaman ng bebe ko.. Araw araw ganyan.. Walang bago hehehe
Hi everyone!!! Wala nanaman ako update .ngayon lmg ulit. Mga dalwang araw ata na wala. Busy kasi di na naharap magpindotpindot ng cp. Eto na nga mukhang nabudol nanaman ako ng mga anak ko. Sabagay narealize ko, akin naman yung laman , ung lagayan lang knila.. Pero di ntin sure baka kunin ko din wahahahaa
Goodmorning!! Dahil nga health break parin ng mga bata ngayon mejo late na kami bumababa. Nakahilata lang ganern hehe Nag usap kami kagabi ng bebe ko, usapan namin magluluto ako ng afritada. Apakalinaw na usapan un, so pag baba ko prep ko na lulutuin ko. Bumaba din siya magluto na daw ako ng sopas, anu kaya yun hehehe. Ang gulo diba hehe.. Kaya eto sopas niluto ko, wala akong choice hehe.. Saglit nalang to at maluluto na..
Hello everyone!! Nakapagluto naba kayo ng ulam niyo for dinner mga kanoisers? Anung ulam niyo? Maggugulay kami ngayon. Tapos na ako magluto ng dinner namin, maaga yata noh hehe. Ginisang repolyo ulam namin ngayon. Sana madaming makain mga chikiting. Ilang araw din na puro karne at isda ulam. Kaya naman ngayon... Gulay ang bida hehehe
Magandang gabi!!! Nanonood kami at naiinis ako sa mga kontrabida sa panood hehehe... Nadadala ako sa pinapanood ko hehe. . Di ko namamalayan ang oras hehe... Mag aalas otso na pala.. Dinner time.. Pero nakaluto naman na ako knina pa. Kain muna kame. Pause muna panood hehe. Tara kain!!!
Dinner time!!! Lets eat!!! Butter garlic shrimp ulam ngayon. May batang wagi nanaman Ngiting tagumpay hehe Tara kain na. Busog nanaman sarap ng ulam Tara sabay sabay na tayong lahat para ma masaya. Enjoy eating!! Enjoy your dinner!!
Hello hello!!! Nagluto ako ng cracker Habang nanonood kami may pika pika.. Bet na bet ng mga bata. Hindi pa ako tapos magluto paubos na hehe Natatawa talaga ako hehe Nagpapaluto pa sila ng popcorn. Di na ako matapos tapos magluto hehehe Mamaya onte kakain nanaman ng dinner.. Kain ng kain noh. Heheheheh
Yehey kakain nanaman hehehe Yung kakain ka late na.. Tapos yung lunch ko pangbreakfast hehehe Nalilito naba kayo hehe. Sabi nga ng anak ko mommy ang bilis ng oras alas dos na. Parang katatapos lang natin kumain ng agahan. Kakain nanaman tayo sabi hehe.. Okay lang yan, kain lang ng kain. Very good si bunso kumakain ng okra hehe Ung sinangag ko punung puno din ng gulay.. Oh diba hehe Kain tau!!!
Magandang umaga mga kanoisers!!! Alas onse na pala breakfast palang kami hehe Late na kami bumangon. Sarap matulog at humilata kasi mejo malamig At isa pa puyat din talaga kami kagabi hehe Day off ng daddy namin kaya bonding sila ng mga bata. Kaya late na kame talaga nakatulog kagabi.. Kape tayo at kain ng pandesal. Peyborit ng mga bebe ko cheese hehe
Hello everyone!!!! Mag aalas tres na, kakain palang ako ng lunch.. Busy busy di namalayan oras. Ang dalawang alaga ko kumain na sila. Isda inulam nila yung flat na isda, di ko alam tawag hehe Masarap ipaksiw yun hehe.. Galing ako sa labas namili kaya ngaun lng kakain. Kaninang umaga nagkape lang ako bago umalis. De lata ulam ko ngayon hehe.. Try ko to kung masarap ba.. Update ko kayo later pag masarap ahhahahaaha... Review ganern hehehhehehe.. Tara kain n tayo..puro kakain…
Magandang gabi mga kanoisers!!! Kumusta kayo? Kumain naba kayo? Kain tayo. Alas otso na pala.. Dq namamalayan ang oras. Kala ko maaga pa.. Palibhasa di ako lumabas o sumulip man lng sa labas hehe Kain na tayo. Ulam tayo isda. Actually may kwento yan hehe. ihaw sana yan kaso wala akong uling.. Tska may mga sampay ako kaya di din ako nkapag ihaw. Kaya ayan pinirito ko nalang.. May palaman yan sa loob na kamatis at sibuyas. Natatakam kasi ako ihaw n isda hehe. Ang nangyari…
Hello hello!!! Magandang araw mga kanoisers!!! Kmusta na kayong lahat? Kumain nb kau? O meryenda na hehe. Halos katatapos lang namin kumain.. Pero eto kakain nanaman. May batang tuwang tuwa nanaman. Ngiting tagumpay nga hehehe!!! Wagi nanaman hehe. Di ko matiis ang bebengko eh ehheehe.. Hirap talaga magbudget hehehe Tara kain muna. Maya kakain nanaman hehe Kain ng kain habang me pagkain hahahahaha
Magandang araw!!! Happy new year everyone!! Tulog paba kau? Karamihan sa atin puyat hehe. Gumising kami ng maaga aga kasi kakausapin din namin daddy namin. Kaya medyo maaga kami bumangon kanina. Ngayon medyo antok na ramdam ko hehe. By the way flex ko nadin cake namin ang sarap. Bigay ng asawa ng pinsan namin. Thank u..
Magandang gabi. Busy naba kayo magluto mga kanoisers? Anu mga handa niyo? Nagluluto palang ako ulam namin dinner. Nakalimutan ko may bibilhin pa pala ako. Lutuin ko muna ulam nmin.. Nagrequest kasi panganay ko ng bread rolls kaya gagawa ako maya. For now beef kaldereta muna.. Ulam namin. Kumukulo pa.. Mejo matagal pa eto hehe Sarap maanghang hehe
Hello mga kanoisers!!! Magandang tanghali sa inyong lahat!! Maligayang pasko po!!! Busy lahat ngayon.. Yun iba nasa work pa. Hehe Ngayon ifeflex ko lang yung mini Christmas tree ko. Nakakatuwa kasi.. Apakacute lng niya. Maliit lng talaga. Gawa ko yan hehe.. Yung mga ribbon ribbon ako gumawa nakakatuwa. Last Christmas kasi di na ako gumawa Christmas tree nmin kahit lantern. Kaya tuwang tuwa dalwang anak ko. Ang cute dw hehe. Nainspired din kasi ako gumawa kasi may ginawa…
Magandang gabi mga kanoisers.. Kumusta na kayong lahat.? Sa wakas nakapag update din ng noise. Matagal tagal din na di ako nkapag open. Busy busyhan tayong lahat ngayon. Kumain na ba kayo ng dinner? Kain tayo mga kanoisers. Noodles muna ako ngayon.. Magluluto sana ako ng kaldereta ngayon kaso napagod ako, ang dami ko ginawa. Naglaba apakadami, naglinis ng kwarto. Magtutupi pa ako. Kaya di na ako nkapagluto hapon n natapos labahin ko. Kaya yung kaldereta naging noodles…
Magandang umaga mga kanoisers!!! Ang sarap pa sana matulog, kaso hindi pa bakasyon eh hehe Need padin gumising ng maaga kasi may pasok pa. Nagluto ako ng agahan namin. Medyo nalate nga lang hehe Buti maya maya pa onte klase ng anak ko kaya makakakain pa ng agahan.. Kain na tau. Itlog tsaka hotdog muna ang agahan natin Mamayang tanghali magluluto ako ng pork adobo. Peyborit ng panganay ko. Lets eat!!!
Magandang gabi mga kanoisers!! Kumusta na kayong lahat.. ? Eleven days nalang pasko na. Excited naba kayo? Ako, di alam hehe Kain muna tayo guys. Nagugutom na ako. Masarap yan.. Luto ko yan eh hehehe Sabi ng bebe ko da best daw luto ko, at naniniwala ako sakanya hahaha. Sabi niya nambawan daw hahaha Tara kain muna tau.. Tuloy natin kwentuhan pagtapos natin kumain. Hehehe Enjoy eating everyone!!!
Hello noisers magandang hapon sa inyong lahat.. May isheshare ulit ako sa inyo. Ginawa namin to ng anak ko. Hindi ko inexpect na ganun lasa.. Masarap pala siya. Nagustuhan talaga namin ng mga anak ko. Nakakatuwa lang kasi dq alm ito. Pero dahil sa activitu nila may nadiscover ulit ako hehe. Camote tops juice. Need ng camote tops Kalamansi Honey or kung wala pwede sugar. Pakuluan mu lng ung camote tops. Pag ok na. Salain mu. Kunin mu ung nagkuluan. Pigaan mu ng kalamansi tpos…
Magandang gabi mga kanoisers!!! Kumusta ang araw niyo? May napanood ako sa na recipe.. Kaya trinay ko. Since paborito ng bebe ko ang sopas Sinubukan kong gawin ito. Lucky me noodles sopas. Madali lang siyang lutuin Lalagyan mu din ng kahit konting carrots ,repolyo ,at hotdog. Tska syempre evap. Pwede din lagyan mu itlog kung bet mo..masasarap Dahil masarap siya nagustuhan ng anak ko. Hindi ko nga napicturan kasi naubos agad.. Excited din kaso ako knina pakainin sila di ko…
Magandang gabi mga kanoisers!!! Kumusta kayong lahat? Nagdinner naba kayo? Ngayon lang nnaman ulit makapag update. Masyadong nabibusy ang lola niyo hehe Kain tayo guys!! Ulam tau sisig.. Ou sisig.. Baka kasi isipin nio giniling yan Sisig talaga yan guys for real hehe.. Sabi kasi sakin akala giniling daw hahaha Kahit ganyan yan, infairness masarap yan hehehe... Tara kainan na!!! 😊😋😋
Hello noisers!!! Magandang hapon sa inyong lahat!! Katatapos ko lang maglaba nakakapagod. Madami dami din nilabhan ko kasama kasi mga kumot, bedsheet mga punda mga towel.... Naiistress kasi ako sobra kaya idaan natin sa paglalaba. Para pag may ginagawa nabubusy din. Hiramin ko nga maya yung anti stress na laruan nga anak ko hehehe.. Fidget toy niya.. Ako nalang muna maglalaro ng pop it niya hehehehe.. Sana gumana sakin.. Eto siya oh pakita ko sa inyo hehehe
Good morning noisers!!! Have a nice day!!! Ang bilis ng araw dec 2 n pala. Nangangamoy pasko na hehe Nagbreakfast naba kayo? Kain tayo mga kanoisers!! Nagluto ako ng caldereta. My version of caldereta haha Masarap siya,nagustuhan naman nila.. Kasi kung hindi nila magustuhan, hindi na ako ulit magluluto ng caldereta hehe. Buti nalang hehe Kain tayo!!! Have a great day ahead!!!
Magandang hapon mga kanoisers!!! Kumusta ang araw niyo? Kumain naba kayo ng pananghalian? O meryenda time niyo na? Kain tayo, Ang ulam tinapa at mais na dinengdeng. Tinapa yan mukha lang siyang tuyo, pero masarap pala yan. Tapos mais..pag ilokano ka alam mu n yan hehehe. Dinengdeng na mais.. Yumyum!!! Tara lets eat!!