Hello🤗namiss ko ang noise.
@Ann19
Joined 10 September 2022 · 15 posts
Always positive in life😉
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Posts
Init na init sa sarili niya,aayaw naman paligo😅,sa cr talaga tambayan niya kaso naglaba ako kaya hindi siya nakapwesto,Pagkakita ko sa lababo na humiga😅
Thank you noise, good morning noisemates pakilala ko lang sainyo si Snow souvenir ko siya kay noise,kaya hanggang ngayon may nagpapaalala pa din saakin kay noise araw araw,last money ko kay noise sa kaniya ko nilaan at hindi naman ako nagkamali ng pinaggamitan kasi araw araw kami may libangan at kakulitan,stress reliever sa sobrang cute talagang marerelax ka talaga. Thank you noise.cash kasi dahil sayo meron kami Snow sa bahay,kahit andito kami sa Philippines 🤣pero seryoso thank you talaga noise😘


Sobrang nakakamiss ang noise.cash😔Sana ibalik para nakakapagpost pa din kahit papano kahit walang tip ayos lang,sayang yong mga memories doon😔the best social media for me,yong tipong kahit ano ipost mo no discrimination,halos lahat mga magkakaibigan, magkakasundo,samantalang sa ibang social media daming issues sa mga post. #Noise.cash please comeback💜💜💜
Parang galit ei siya na nga itong niliguan😅aayaw magpahawak pag basa gusto nasa tabi lang sariling sikap magpatuyo aayaw magpablower,naiwas sakin kanina pero nong natuyo na at nakakain tumabi na sakin. Ako nga dapat ang galit ei yong ligo niya parang ligong sisiw lang😸ilang minuto lang nagpupumiglas na tapos dapat may instant usap usap pa para mauto🤦 Nagmukhang mataba ang Ming Ming na Yan nadaya ng balahibo nagtayuan ei🤣


Yong asawa kong dumayo na ng inom sa kaibigan pag uwi may lalay pang inumin,magaling🤣may birthday daw pala sa bahay ng tropa niya tapos nong patapos na sila binilhan pa daw sila ng alak ei di na daw nila nainom inuwi nalang daw niya,naku!sigurado nanaman to kung hindi bukas,baka sa dayoff niya.
Snow na makulit,pataba kana ming para nakakatuwa kana kargahin😅 Napakakulit,pero natutuwa ako sa kaniya kapag naglalaba ako sa madaling araw,nakabangbang siya sakin,as in hindi siya naalis samay pintuan ng cr,naalis lang siya kapag hindi niya na kaya ang antok niya, tapos kapag nagising bangbang ulit siya sa labahan🤣natutuwa ako kasi may kasabay na ako magpuyat haha..


+1 more
Kapag naisipan nalang bumili ng asawa ko ng chocolate ei nabili,panay bili sa kawork niya ng toblerone mura kasi 75 Lang daw ang isa niyan,tapos nong nakaraan pumunta lang 7/11 pagbalik may dala ng hersheys chocolate 50% off daw,haha.kinilig pa naman ako kasi bumili ng chocolate ampala sinasamantala pala ang mura,haha,charot!mas masarap talaga ang chocolate kapag nakapromo,Hindi masyadong masakit sa bulsa😅😁
Minsan nakakatuwa din na yong kinita mo sa noise ay may nabibili kang gamit na nakikita mo sa loob ng bahay, souvenir ba sa pagkagenerous saatin ni noise.naisipan ko bumili ng griller kasi nagkicrave ako sa inihaw nong nakaraan,tapos nong unang araw para matesting ko agad nag ihaw kami ng anak ko ng hotdog tapos talong, tuwang tuwa pa kami mag ihaw tapos maya maya nag off siya tapos biglang nag amoy sunog,nasunog pala konti yong saksakan niya,ginising ko asawa ko,sabi ko tingnan yong ihawan mukhang nasira ata agad,nakita niya sa extension ko sinaksak😅bakit daw don,ei ang extension daw namin ay mumurahin Lang, haha,nirekta niya sa saksakan okay naman mabuti hindi nasira,mali pala yong gawa ko kasi sinaksak ko siya sa extension tapos yong extension nakasak pa sa isang extension ulit na may nakacharge na cp.sabi ko sorry,malay ko ba sa ganiyan,haha.

Payat na daw ako,di pa nga ako tapos magdiet ei😁 Mas okay daw sakin yong dati,pero para sakin mas kumportable ako ngayon,kesa dati na halos pigil hinga kapag nakadress,😅siyaka dati naiirita ako sa panga ko kapag titingnan kala mo laging maga,ngayon hindi na masyado,hehe.konting bawas pa para kapag kumain na ako ulit ng madami hindi ako madadagdagan ng bilbil gaya ng dati.hehehe.
Masarap din pala yong ganitong badi,tilapia ang isda,70 pesos limang piraso,ni rekta ko na iprito kanina di ko na hinugasan kasi akala ko hindi siya maalat,maalat pala😅pinigilan ko na nga kumain ang anak ko kasi isang piraso inulam niya medyo malaki din baka masobrahan sa alat,aayaw pa papigil inubos ang isa,akin kasya kalahati lang,kasi maalat siya,sabi ko nak,maalat yan paunti unti lang dapat ang ulam niyan hindi yan kagaya ng normal na prito ng isda na kahit madami makain ay ayos lang😅. Isang balot lang pala sakin diyan,haha.
Madalas nakakakita ako ng mga post na para bang piniflex nila yong katawan nila,lalo na yong mga nagpifitness goal at mga nagwowork out para magkaabs,pero pagnakakakita ako ng ganong post parang wala Lang sakin, "Parang ano kaya yon be like"😅 Ngayon nararamdaman ko na kung bakit,kagaya ko panay akong picture kasi pakiramdam ko lalaki na ulit ang tiyan ko,haha.siguro ganon din pakiramdam nila o proud lang talaga,ako naman iba ei nakakaramdam nanaman ako ng parang gusto ko na ulit kumain ng kumain😁mabuti nalang napipigilan ko,.pero nakakaproud din talaga kapag nababawasan ang timbang mo,siyaka yong ibang damit na hindi bagay sa katawan mo dati,nasusuot mo na.dati iritable ako kapag suot ko tong croptop,kaya kapag sinuot ko siya saglit lang talaga tapos palit ng t-shirt kung saan ka mas kumportable kumilos. Nag stay yong low waist line ko sa 26-27 pero yon naman talaga goal ko bago ako magstart magdiet,pero gusto ko sana 25-26 pero natatagalan,kumakain na din Kasi ako ulit ng kanin.pero pagkailang araw siguro magsiseryoso na ulit ako sa pagbawas ng pagkain.
Avril Lavigne Concert tour in Manila On November 3,2022 Badly needed, I want one😅 I want to be there,I want to watch her concert live! I want to see Avril, her pretty face, I wanna hear her lovely voice in person. Napapa english tuloy ako,gusto ko,gusto ko,pera nalang ang kulang,huhu!.😁
Ako lang ba tong parang bata kapag dumating yong item na binili,maya't maya ang sukat🤣 haha.parang bata kapag may bagong laruan,hindi mapakali,gusto laging nasa tabi. Yong galing ka sa tulog selfie agad kung bagay ba,pagkabangon diretsyo sa labas para magrecieve ng item,walang mumog walang hilamos,sorry kuya😁mabuti naisipan kong mag mask,shopee kasi ang nagdeliver,lam na.haha. #bagonggisingbelike🥴
Yong tipong kakagawa mo lang kaya hindi ka pa marunong🤣. Goodafternoon noisemates,Ann19 here😘