read.cash Log in
@Amare edited

At sa huli't huli...

Mahal? Iyon ang gusto kong itawag sa iyo Iyon ang nais kong maramdaman mo Nais kong alalahanin mo na sa bawat sandali Sa bawat saya at pighati Sa bawat pagpintig nitong dibdid Ikaw lamang ang iniibig   Ala-ala ko pa ang ngiti sa iyong mga mata Mga nigiting magpang-abot langit ang dala Noong mga sandaling binibigkas mo ang mga kataga Mga kataga ng iyong mga pangako Mga pangako na ikaw lamang at ako   Natatandaan mo pa ba? Noong tayoy walong taong gulang pa Ipininta mo sa isang kapiraso ng papel ang aking mukha At nag-iwan ka ng mga salitang Ikaw lamang sapat na   Ala-ala mo pa ba? Noong nakita ito ni ina Ibinahagi niya ang piraso kay ama At tayo’y pinagtawanan nila Sapagkat hindi sila makapaniwala na tayo’y umiibig pala   Sabay tayong lumaki Sabay nating pinagmasdan ang langit at buwan Sabay tayong namalagi sa dalampasigan At saksi ang kalangitan Sa matamis nating nakaraan   Ako’y labis na nasiyahan Noong ako’y pinayagan ni ina na magtungo sa iyong kinaroroonan Iyon ang aking ika labing siyam na kaarawan Dala-dala ko ang kahon na laman ang ating mga sula’t at larawan Labis akong nagalak, walang mapagsidlan   Dali-dali akong nagtungo sa iyong silid aklatan Katabi ng kusina sa baba ng inyong tahanan Ang sabi ng iyong ina ay naroon ka upang magbasa Ako raw ay magtungo upang ika’y masurpresa At dahan-dahan akong nagkubli sa likod ng lamesa   Isa, dalawa, tatlo Ako ay nagbilang hanggang sampu Dahan-dahan kang lumingon sa aking direksyon At sa muli ikaw ay kaharap ngayon Dali-dali kang lumakad tungo sa aking harapan   Iyong mga hakbang ay sadyang kay bilis hindi ko mabilang Ang iyong mga bisig ang sumalubong sa aking katawan Ngiti mo’y magpang-abot kalangitanan Ang iyong yakap ang syang aking inaabangan Yakap na mahigpit, na nagsasabing ako’y iyo lamang   Wala kang pinagbago kahit lumipas man ang ilang siglo Ikaw pa rin ang dati na kilala ko Ikaw pa rin ang bumuo ng aking pagkatao Ang iyong mga mata’y nangungusap Tumitingkad na parang alitaptap   Isa, dalawa, tatlo Apat, lima, anim, pito Pitong taon na pala ang nakalipas O! mapait na pag-ibig ba’t di ako nakaligtas Ba’t ako ay nahihirapan, sadyang kay malas   Sa loob nitong pitong taon Hindi ko mawari ang mga panahon Kung may araw ba na ipinanalangin ko na sanay kapiling kita? Sadyang oo, sapagkat ni isang araw ay hindi lumipas Ng hindi ikaw sa aking mga panalangin ay naibibigkas   Ako ngayon ay naritong muli Kaharap ang kwarto kung saan ka namalagi Pinagmamasdan ang bawat sulok Baka sakaling makitang muli Baka sakaling ikaw lamang ay nagkukubli   Isa, dalawa, tatlo, apat, lima Hindi mapigilang lumuha ang mga mata Ako’y nagbilang muli ng isang daan pa Baka sakaling ika’y magbalik na Ilang libo pa ba ang bibilangin? Upang ikaw ay muling makapiling   Pinunasan ko ang aking mga luha Idinilat ang mga mata sa ibaba At ibinulong ang mga kataga “nawa’y ika’y maging masaya, kahit na ako’y kailan man hindi na liligaya, Pagkat alam mo na sa iyong piling lamang ako’y muling sisigla.”   Kailan man sa buong buhay ko ay wala akong nais pagsisisihan Subalit kung mayroon man akong nais baguhin sa nakaraan Iyon ang hindi ka na sana kailanman natagpuan Upang sana, ang puso’y hindi ngayong nagdurusa At sana ikaw ngayon ay buhay pa, kahit kapiling ka ng iba   Sana’y hindi na tayo nagtagpo Sana’y ako na ang kusang lumayo Sana ay itinaboy kita dati pa Sana ay hindi kana nakilala Sana’y hindi mo na ako minahal Sana hindi na tayo pinagtagpo ng Maykapal   Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana Ang ating kahapon ay hindi na muling maibabalik pa Sadyang ubos na ang papel ng ating istorya Hanggang dito nalang ang lahat ng pait at saya Ikaw at ako ay nagtapos na, subalit mahal pa rin kita At sa huli’t huli ikaw pa rin, walang iba *Note: This article is a 'spoken poetry' recited during the author's University's Foundation Day Celebration.* (c) photo: Pixabay

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.