read.cash Log in
@Amara89 more from that month

UBONG MATIGAS TRY NIYO TO GAWING HAPLAS Mga moms and dads out there,try niyo tong TUBA-TUBA ang iba sa inyo familiar na sa herbal na to,mabisa siya sa ubong kasama ay lamig yong feeling mo matigas lang siya panigurado lamig yan.. malalaman niyo yan kung lamig kapag panay pawis na malamig tapos sumpong yong ubo Maswerte kung may tanim kayong ganito effective talaga siya sa lamig lamig,yong mom ko kasi mahilig sa herbal kaya yun na din nasunod ko.. Simply lang kumuha nang isang sanga nang tuba tuba kayo na magtyansa sa dami na gusto niyong kayudin,makikita niyo sa second pict ko nakayod kona since wala kaming dahon nang saging ibang dahon ginamit ko para magamit ko pang rolyo jan sa kinayod ko. Pagkatapos kayurin lagay niyo na sa dahon gumamit ako jan nang stick pang lock sa dahon tapos nilagay kona siya sa ibabaw nang gatong wag sa apoy ha baka kasi masunog yong tama lang na init,pagkatapos painitan kunin niyo na tska yun yong gawin niyong pang haplas sa likod at bandang dibdib niyo gawin niyo yan everynight bago matulog wag niyo tigilan hanggat feeling niyo matigas pa din ubo niyo. Fisrst aid ko lang yan syempre kapag di na talaga okay mabuting komunsolta pa din sa doctor. Salamat sa tiyagang pagbabasa.. Ps..pwde niyo samahan nang dinikdik na luya kung gusto.mo may blend nang anghang kunti ang sarap sa feeling parang sinisipsip ang lamig peru take note bawal sa maliit na bby na haluan nang luya pag hindi pa kaya okay.. #tubatuba #FirstAid @Amara89

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.