COMBI NA PARA BUSOG :) Sabaw at adobo luto ko ngayon mga kaingay para kompleto ang busog simplehan lang natin ang luto ang importante may halong gulay para kahit papano ei mas healthy pa din siya.. Hindi ko sinasabing hindi healthy yong karne kasi may protina din naman siya kaya lang minsan hindi talaga natin nakokompleto yong nutrition na nakukuha natin sa ating kinakain kaya yong iba nag vvitamins nalang which is good din naman talaga. Anyway mga kaingay dami ko pagod ngayong araw asekaso sa bagets kasi after ni bunso nagkasakit ngayon si bbgirl na naman hayss buhay kasi naman halos lahat nang mga bata pala dito sa lugar namin ganun yong sakit yong ubong matigas na halos dika makahinga dahil sunod sunod walang preno grabee kaya todo alalay at kung ano anong remedy ginawa ko kay bbgirl ngayon may lagnat siya kaya nakatulog na nang maaga kompleto naman yong gamot niya observe ko nalang muna siya sana gumaling na siya agad,bawal ako maging malungkot dahil paano na sila sinong mag aalaga kung ako naman magkasakit hirap ang buhay nang isang fulltime mom peru ang iba sinasabi na ayahay daw tahimik nalang kasi i know di nila yun naranasan. O siya mga kaingay kung di ako makabalik sa inyo ngayon pipilitin kopa din bukas kasi parang antok na ako sa sobrang pagod magandang gabi sa inyo mga kaingay.. #LABANLANGTAYO @Amara89
5 comments
Parang ang sarap ng pagkaluto mo nitong adobo sis :) oo nga sis akala ng iba hayahay lang maging ina hindi nila alam ang hirap lalo na kapag maysakit ang mga anak. Hoping and praying na gumaling kaagad baby girl mo sis. God is our healer patuloy lang manalangin.
naku sis paningin mo lang yan na masarap charrot haha anyway thank you sis :) ayy so true sis di nila kasi nakikita mga sakripisyo natin kaya ganun hehe hayaan nalang natin sila kasi kapag naranasan na nila yun don na nila makukuha ang sagot hehe yes sis walang imposible talaga basta taimtim na manalangin
Tama sis dun talaga nila masabi kung hayahay nga ba lalo na sayo lahat gawaing bahay tapos alaga ng mga anak lalo na kapag nagkasakit sila ewan ko nalang kung masasabi parin nilang hayahay :)
Tama ka ka-noise huwag kang malungkot para iyong mga bata ay makakuha ng lakas sa iyo habang inaasikaso mo sila. Pero magpahinga ka rin baka magkasakit ka rin. Keep safe ka-noise!
di talaga dpat paiiralin ang lungkot sa mga ganitong sitwasyon ka noise diskarte ang pairalin para makapag isip nang mabuti ,yes ka noise kapag may pagkakataon naman nagpapahinga din naman ako maraming salamat ka noise kayo rin keep safe jan