UNPLAN LABA Maaga kami nabulabog sa iyak ni bby girl mga 4am ata,sobrang sakit daw nang tiyan ayun feeling ko sinikmura,agad ko namang ginising si hubee para magpatulong para kasing namutla na siya at sobrang lamig nang kamay niya yung tiyan niya matigas na parang kinabag buti nalang naging okay din siya sa pisil pisil at hilot ko sa kanya. Nilapatan ko na din nang dahon nang atis na pinapainitan ang tiyan niya pinainom nang warm water at pinainom nang gamot para sa tiyan. Yun nga di na pwede makabalik sa pagtulog kaya naglaba nalang din ako malapit na din kasi mag face to face class this monday na kaya magiging super busy na ako. buti nalang medjo tirik na si haring araw matutuyo na to nang mabilisan para matupi na din at dina magdagdag pa sa iba kopang gawain. O siya tatapusin ko lang muna to mga ka mare balikan ko kayo mamaya..
2 comments
Mabuti sis may mga dahon dahon kayo diyan na herbal pwedeng gamot. Mya face to face na Pala sa inyo sis..doble ingat nlang sa anak mo sis pagpasok Kasi nandyan parin si virus.
yes madami herbal dito sis may serpenta pa nga na tumutubo lang sa damohan..Oo sis face to face na nila isa kasi sa napili ang school namin para sa ftf na yan kasi kunti lang covid cases dito