EFFECTIVE KAYA TO:) Lowblood din ba kayo tulad ko yong tipong nagrarange lang yong bp ko sa 90/60 mahilig naman ako sa gulay like talbos peru bihira ko lang nakakain. Effective kaya tong sangobion nagtry muna ako nang 5 pcs baka kasi di maganda effect sakin saka na ako bibili isang box pag okay talaga siya..nasa 24pesos bawat isang capsule nito mas mahal siya don sa dati kong iniinom which is super mura nasa 6pesos lang ibang brand kasi yon generic lang ata yun foralivit pagkatanda ko. Feeling ko naman okay siya uminom ako kagabi before meal kaya alas 9 palang inantok na ako haha, mainten ko nalang to kasi naman napapadalas talaga puyat ko kaya para mas makatulog nang maaga bibili na ako nito isang box.. Sinong lowblood sa inyo mga friends gaya ko ano remedy niyo? #BLOODVITAMIN #SANGOBION+IRON @Amara89
6 comments
Ako naman dati sis anemic Kaya ang putla talbos Lang ako Ng talbos tapos yung sabaw sa nilagang talbos pinapainom pa ni mama. Tinitiis ko lang talaga ang lasa naging ok naman. Mukhang maganda naman ang vitamins na yan sis mahal nga lang :)
Talaga sis ilang beses o months mo yun gingawa sis na inomin yong nilagang talbos..ou nga ei namahalan ako peru sabi kasi nang mom ko okay daw to
Mga isang buwan din yata sis tiniis ang pag inom pero mukhang maganda nga naman ang vitamins na yan sis.
Ang BP natin ay di un ang cause ng pag ka lowblood malalaman mo lang kung mababa mga blood kung nag pa CBC ka. Baka yan na talaga ang BP mo ako kase ang normal BP ko is 110/70. Meron naman na mataas ang BP nila pero normal lang sakanila iyon. Un mga vitamins pang support yan dimo makikita un effect nya sa 5 days lang. At iron suppliment lang yan. Mas maganda talaga mag patingin muna for proper medicine.
Naalala kona pala sis yun nga iba ang bp at cbc count e ttry ko ulit magpa cbc kasi last time naaala ko mababa nga sabi din kasi nila kapag nagpuyat nakakalowblood daw yun iwan ko lang base lang naman din sa narinig ko
Maganda iyan ka-noise! Iyan ang ibinigay ng doctor sa misis ko nang after niyang manganak sa bunso namin parang anemic siya, mababa ang dugo nag 90/60 din siya. Pero Mula nang mag normal na ang bp niya tumigil ng umiinom niyan.