Malonggay Soup Mahilig din ba mga anak niyo sa gulay mga momsh? si bunso kasi oo ei kaya hiniwalayan ko talaga siya nang para sa kanya gusto niya ganyan yong hihigopin niya yong sabaw kaya pinapalamigan ko na siya naka separate na yun sa kakainin pa niyang rice. Akala ko nga hindi niya magustuhan noong first pakain ko sa kanya nang gulay na yan ,sinubukan ko lang naman sahogan yong kanin niya nang sabaw na may kasamang malonggay aba gulat ako kinain niya lahat tapos gusto pa niya kunin yong plato para higupin yong sabaw kaya ginawa ko lageng separate na si sabaw . Nakakatuwa lang kasi hindi ko enexpect na kakain pala siya nang gulay. Sa mga momies jan na nagbabalak palang pakainin yong bby niyo sanayin niyo na sa gulay gulay para pagdating nang araw hindi na kayo mahirapan pakainin sila :)
11 comments
Mapapa SANA ALL nalang ako. Tama ka nga sisna dapat habang bata palang sila e pinapakain na ng gulay. Mga anak ko maarte sila sa ulam kase di ako ang nag palaki sakanila kundi si mama ko. Dati kase nag work pa ako. Ngaun malalaki na sila at full time mom ako kaya nahihirapan na ako mag pakain ng gulay sakanila.
ganun ba sis,pwde mo naman gawing lumpia o di kaya yong parang patty sis lalo na yong kalabasa para lang may makain talaga sila na gulay..
Un kalabasa na kakain po nila tapos un sa malunggay sa corn soup naman nakakain naman nila, pero pag ganian hindi talaga
okay naman pala sis kahit paano may nakakain pa din naman ang mga anak mo nang gulay hayaan muna lang muna soon kakain din yan
ay very good naman po si bebe☺️ tama po yan mamsh habang bata pa masanay na sa pagkain ng gulay bago pa po iintroduce yung ibang malalasang pagkain tulad ng karne. Masasanay na po sila sa pagkain nito na di hahanapin ang lasa ng ibang pagkain na hindi po masyadong healthy. Good job bebe at mamsh👏
tama ka talaga jan momsh,dapat 2nd o 3rd pakain kay bby pa tikim na nang savaw sabaw o durugin manlang yong gulay para din naman masanay yong taste buds nila Kapag ganyan kasi mas hahanapin nila yan kapag hindi pa masyado sila prone to taste like sabi mo mga karne. hehe thank you momsh sana ganon din kayo ni bby mo
oo bhe , kumakain din sya ng gulay maliban sa ampalaya di nya talaga keri hahaha! Monggo, talong, kalabasa , carrots , sayote at yes malunggay kc pag nakahalo na sa kanin lagi ko sinasabi wala namang lasa yan bhe try mo! Basta hindi mapait kakainin nya. Though ngayun na 5 years old na alam na nya lasa ng fried chicken kaya hindi ko pinagsasabay lutuin. Pag gulay gulay lang ulam namin kasi pag kasabay chicken tiyak hindi na papansinin si gulay😅
haha automatic reject pala si gulay momsh abay kung ganon di nga dapat ipagsabay,very good naman pala c bbe mo kasi ampalaya lang ang ayaw c bunso hindi kopa napatikim nang ampalaya peru jusko momsh kapag ma anghang na pagkain kumakain like yong canton ikaw nalang Yong matatakot haha
ay galing naman pala pati sa maanghang sanay agad.
Nakakatuwa Naman si baby mo sis sarap na sarap sa sabaw na may gulay :) Sana lahat Ng baby ganyan mga anak ko naman sis kumakain naman Ng gulay kapag naglaswa ako sarap din Kain nila.
mabuti naman kung ganon sis iba talaga kasi paf nasanay sis parang hindi na problema ay sis speaking of laswa gusto ko yan para siyang ensalada