read.cash Log in
@Amara89 more from that month

GINATAANG MONGGO WITH TUYO Namiss ko mag gata nang gulay kasama ang monggo kaya naman agad ako kumuha nang niyog may mga stock na kasi na niyog sina mama since may sarili naman tanim sina mama ko kaya naka libre mahal din kasi kapag nagpakayod kapa sa market,although may mga instant gata na mabibili kaso iba pa din kong pure gata mas malasa at mas masarap. Since may gulay na akong stock naisip ko na pag haluin nalang yong kasama ang monggo at syempre ang bumibidang tuyo ahaha yes tuyo yang hinalo ko jan hinugasan ko muna bago ko sinahog para hindi masyado maalat at the same time mas malinis na siya.. Alam ko naman paano balatan yong niyog so ako na rin ang gumawa dahil nasa duty naman si partner buti nalang sa pagkakayod tinulongan ako nang mga bagets mga 8pm na kami nakakain. Kayo ba mga mate kumakain ba kayo nang ganitong luto minsan napabili ako nang bigas na mais kasi mas gusto din ni partner bali isang kilo lang kapag gusto niya kumain ayaw kasi kumain nang mga bagets matigas daw nasanay kasi sila na rice kami lagi. O siya parang napahaba na chika ko hehe pacncya na po kayo.. #GAWASAGATA #CORNRICE @Amara89

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.