Fence/pintuan Inayos ko yong dating gawa kong maliit na fence sa bandang terrace namin,kawayan yong dati kong gawa pinalitan ko lang nang mga stick since hindi naman na ginagamit ni baby ko yong crib niya kinuha ko yong sahig tapos sakto naman na kasya siya jan sa nagawa kong maliit na pintuan. Nahirapan ako sa pag form niyan nong una kasi hindi naman ako construction worker peru pag pipilitin mo eh magagawa mo talaga nahirapan na kasi ako e since yong baby ko natutong maglakad lagi ako malingat nasa labas na lalo na pag may ginagawa ako sa loob nang bahay nakakapagod. Saktong may mga kahoy naman si mama na luma hiningi ko nalang at yan na nga siya pinalitan ko kasi nabali yong una kong gawa na kawayan at isa pa yong asong gala din sa terrace na namin natutulog pag walis ko sa umaga ang daming balahibo ayaw ko kasi baka malanghap ni baby. Si hubby ko dapat ang ipapagawa ko eh busy sa trabaho tapos pag nasa bahay tulog kasi puyat kaya sabi ko kaya ko naman to kaya ayan nagawa ko nga.. Pagka dating niya galing sa trabho nagulat nalang siya na nagawa kona.Actually hindi lang yan ang mga nagawa kopa mga ka ingay nakagawa na din ako nang lalagyan namin nang mga unan at kumot simply lang naman siya parang maliit lang na altar. Kaya tayong mga babae wag niyo isipin na hindi natin kaya ang mga ginagawa nang mga lalaki pag may gusto magagawat magagawan natin nang paraan..
1 comment
ganyan din bakod namin noon. heheh