read.cash Log in
@Ailjhe

Paalala ng nanay para sa anak

Anak! Ikaw ang buhay ko, ikaw ang pangarap ko. Sa bawat oras at araw, sa panahon ikaw ay nagkakaisip na, ang puso ko sumasagana. Sa bawat paalala ng sambit ng aking bibig, pagmamahal at pag aalala para sa iyo. makita kita sa bawat minuto na ikaw ay masaya. Pag ikaw ay nabibigatan na, huwag kang mag atubili, at manikluhod at humingi ng lakas sa diyos. Sa bawat panahong lilipas na hindi kita makakasama Huwag mo akong kalimutan. Kung ikaw ay nasa malayo na, dalawin mo ako kahit isang minuto makita kita. Sa aking panambitan sa iyo, huwag mo akong iwasan. Ang paalala ko ang siya lagi mong tatandaan. Kung may idudugtong ka sa maiksing tula na ito.i comment niyo nlng po. Salamat po.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.