Kuha ko itong larawan sa aming likod-bahay. Minsan, natanong ko sa'king sarili kung napapagod din ba ang mga langgam sa katatrabaho. Tayong mga ofw, napapagod din kasi pero hindi sumusuko. Nakangiti man sa ating mga larawan sa social media ngunit hindi nila nakikita ang ating mga totoong kuwento. Mga kuwento ng pakikipagsapalaran, pangungulila, pang-aabuso at pang-aapi, diskriminasyon at pangmamaliit. Tulad ng mga langgam, patuloy pa rin tayong gumagalaw at lumalaban sa anumang hamon na ibinibigay ng buhay dito sa dayuhang bansa. Dahil alam natin sa ating mga sarili, na hindi lang natin ito laban, kundi lumalaban tayo para sa ating mga pangarap para sa ating mga mahal sa buhay. Patuloy lang Kabayan. Laban lang ka-OFW! #buhayofw #hugotatlitrato
No comments yet