Habang papauwi kami galing sa school dahil kumuha ng modules ng panganay ko, nakita namin tong pink Rose sa gilid ng daan. Tumigil ako sandali para makunan ng larawan kasi nagagandahan ako sa kulay niya. Medyo makulimlim na sa labas, baka maya-maya uulan na naman to. Sana lang hindi lumakas para di makapasok ang baha sa loob ng bahay. Nakakapagod din maglinis ng putik. Magandang hapon sa lahat!
6 comments
Ang ganda nga po sis ng pag kakakuha mopo ng litrato sa bulaklak at sariwa Ang hangin dyan po sanyo
Maraming salamat sis. Maganda nga dito tambayan sis lalo na pag di masyado mainit, malamig yung ihip ng hangin
Anga ganda ng lugar sis masarap mamasyal fresh air pa
Maganda yan pasyalan sis basta di maiinit yung panahon. Sarap tambayan kasi malamig yung ihip ng hangin, nakakarelax
Oo nga no masarap ngang mamasyal wla nga plng araw
Oo sis kasi mas ma-enjoy mo yung lugar tapos malamig yung hangin pag ganung panahon