read.cash Log in
A@Ad.john-08

Ang dakilang Juan

Dalawamput apat , isang linggo Mga kamay na handang tumulong Mga paang tumatakbo Sa mga taong sa sakit ay apektado Sa digmaang hindi nakikita ang kalaban Sila ang nagiging sandalan Mga bayani ng sanlibutan Iniiwan ang pamilya, makataong kilos ay magampanan lamang Nang may kusang loob at paninindigan Pagod ay hindi dinaramdam Oo silang magigiting na mamamayang Maka-diyos, maka-tao, at maka-bayan Ngayon ay mulat sa katotohanan Hindi lahat ng mga bayani ay may kapa Sa paniniwalang sila Ay may mabuting puso upang ituring na dakila Huwebes, ika labindalawa ng Marso taong kasalukuyan Sa loob ng klase ay pinupuno ng mga tawanan Asaran na siyang tanging naririnig sa loob kwarto Ilang araw na lang ay maghihiwaly na tayo Sa gitna ng gulo at ingay sa silid ay biglang naging tahimik Sa boses ng isang guro, lahat ay nakikinig “Dear students, walang pasok bukas.” Mga ngiti sa aming mga labi ay mababakas. Ang iba pa nga’y napapasigaw nang malakas. Ngunit sandaling napaisip yaring mag-aaral sa loob ng kwarto Kung bakit hindi pa naman oras ngunit kami ay pinahinto Ang daming nakansel na hindi alam Ano nga ang dahilan nito Nang kami ay mahimasmasan sa pangyayaring nagaganap COVID-19 ang pinangangambahan ng lahat Agad na binuksan ang telebisyon Talamak sa mga balita ang nangyayaring criris ngayon Tila isang digmaan ang nagaganap Sa isang digmaang hindi nakikita ang kalaban Ito ang corona na tanging linalayuan ng nakakarami Isang kalaban na nagdulot ng malaking pinsala sa lahat Hindi biro ang ganitong crisis sa kasalukuyan Ngunit heto ang mga frontliners na matatapang Sa inyo nakasalalay ang aming kaligtasan Kagitingan ninyo ay hindi kailanman mapapantayan. Mahal naming mga nurses, doctors, mga medical laboratory technicians Hindi nyo man makapiling ang inyong mga mahal sa buhay Nakahanda kayong tumulong at pagsilbihan Mga kayumanggi sa gitna ng ganitong laban Kayo ang nagsisilbing proteksiyon Sanay gabayan kayo ng buong maykapal Upang mahanap na ang solusyion Lubos naman naming pinasasalamatan ang mga kapulisan Na siyang gumabay nagbibigay serbisyo Puyat at lahat lahat ay nararasan Upang kami ay mabantayan Mahal naming kapulisan, Akala namin, gawain nyo lang ay manghuli ng mga kawatan Ngunit aming napatunayan , na kayo Kayo ay isang kaibigan na lagi naming maaasahan. Sa mga barangay officials, barangay health workers at tanod….. Kailangan natin na sa kanila’y sumunod. Sakit kaya sa paa at tuhod Ang maghapong paglalakad at pagkatayo na parang tuod Alam namin ang inyong hirap na nararanasan Nagbabahay bahay at kumakatok sa mga pintuan Upang i monitor ang mga kabahayan Maraming salamat sa inyo, Frontliners ng lipunan Sa lahat nang ang pari, sisters at mga brothers Nagsisilbing mga spiritual frontliners Kami ay nagpapasalamat sa walang humpay na pagdadarasal Na sana'g gabayan tayo ng maykapal Sa ating gobyerno na pinapangunahan ng ati ng pangulo Patuloy parin ang suporta ninyo Lahat din ng mga gurong na kasali sa laban na ito Lahat ng mamamayang pilino ay saludo sa inyo Muli na namang napatunayan, na hindi lahat ng bayani ay may kapa bagkus ay ang pagkakaroon ng kawang-gawa at mabuting puso, upang ituring silang dakila

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.