Modernisasyon
Pagmasdan mo ang iyong kapaligiran, sila'y hindi mo na masisilayan Mga batang dati ay nagbigay daan upang maging makulay ang iyong kabataan Imulat ang iyong sarili sa panahong kasalukuyan Mga masasayang ala-ala'y hindi mo na mababalikan Sapagkat ang mundo ngayon ay iba na sa nakaraan Ang dating ngiti na namumutawi ,na eenganyo sa paglaro Dala ng matinding kasiyahan tumbang preso at patintero Ngayon, saan mo sila matatagpuan? Mga laruang sa panahon ay pinaglipasan Mga kabataang nawiwili sa mga larong bayan Mga batang lumaki sa panahon ng ganitong klase ng pamumuhay ay iilan na lang Ngayon ay kaytahimik ng mundo Sapagkat lahat ay nakatutok sa kani-lanilang telepono Sa ating kapaligiran ay wala nang naglalaro Dala ng matinding impluwensya ng makabagong mundo Halikat sumama at pagmasdan mo ang nagaganap na sitwastyon Ang daigdig sa ilalim ng mapanghamong modernisasyon
No comments yet