Karaoke, gaano nga ba kalaki ang impluwensya sa atin?
Gaano nga ba ka-importante ang **KARAOKE** sa buhay nating mga Pinoy? Pansin mo ba? Halos lahat ng kaganapan sa buhay nating mga Pilipino ay hindi mawawala ang Karaoke? Idagdag mo na rin ang lechon. Mapa birthday, graduation, binyag, kasal, piyesta, pasko, bagong taon at iba pa, laging nanjan yan! Ang totoo apa nga n'yan, kahit wala namang handaan nanjan lagi ang kantahan. Kahit sa simpleng inumang kalye o habang nag to-tong-its basta ba'y nariyan ang mikropono walang humihindi mapa bata, matanda, babae, lalaki, may ngipin o wala hinding hindi magpapahuli yan! May napanood nga akong video gawa ng isang sikat na foreign vlogger sa facebook kung saan itinampok ang Karaokeng Pinoy. Sabi roon, halos karamihan raw sa ating mga tahanan ay mayroon nito. Napailing nalang ako habang nanonood dahil kasabay rin nito ang pagpapa-andar ng tito ko ng aming Telebisyon at isinet-up na ang Magic Sing. Naku, tama nga si Kuyang Vlogger! Hahaha. Mukhang napakalaki na nga ng parte ng karaoke sa buhay natin. Sabagay, kahit sino naman siguro ay natutuwang kumanta kahit pa basag o sintunado ka.
7 comments
Haha. Mga pinoy kasi ang isa sa mga may pinakamagagandang boses. Nakakatuwa diba?
Oo nga! Maski kami nga rito sa bahay, pag walang ginagawa nagkakantahan nalang. Nakakapag bonding pa kami
Totoo yan. Nakaugalian na kasi ng mga Pilipino yan. May kantahan talaga pag may handaan o importanteng okasyon.
Subrang laol ng tulong ng karaoke or Ang pagkanta dahil dito tayo nakaka pag kanta Lalo na pag may okasyon.
Napakalaking bagay to sa mga pinoy lalo nat marami dito ang humusay dahil nadin sa pag kanta sa karaoke, tyaka fact! Pilipino din gumawa ng karaoke.
talaga? wow diko alam yun ha.. galing talaga ng mga pinoy
Oo paps nabasa ko lang din sa fb and someone said thats legit kaya yon ang saya lang.