~Ako Kaya Ay Ibigin Mo?~ •Part 2 Hey there mga kaibigan kong maiingay! katatapos ko lang maghapunan, ikaw ba tapos na rin? Tara na, itutuloy ko na ang kwentong " Ako Kaya Ay Ibigin Mo?" . Sana nabasa mo ang Part 1 para masubaybayan mo ang nakakakilig kong kwento. Ang sumunod na tagpo..., Pumasok na ako sa kwarto ko at umaasa na tawagin ako ni ate para ipakilala kay Benj, ngunit lumipas na ang sampung minuto ay wala akong marinig na tumatawag sa akin😩sumilip ako sa bintana at nakita ko na lang na paalis na sina James at Benj. 😠Ayyy umuwi na sila, hindi man lang pinakilala sa akin si Benj, sabi ko sa sarili ko. Maya maya ay pumasok sa kwarto si ate, at tinanong ko sya kung taga saan si James, taga kabilang bayan daw sabi ni ate. Biniro ko pa sya, " ang pogi nya ate parang artista. Paano ba kayo nagkakilala?" at masaya naman nya ikwenento sa akin na last summer pa pala sila nagkakilala at nanligaw si James pero ngayon summer lang daw nya sinagot, nagbiro pa si ate na meron daw kapatid si James na kasing edad ko at mas pogi daw kesa kay James. Hindi ako nagka interest sa sinabi ng ate ko, eh meron na akong crush eh. 😅 Lumipas ang isang linggo, niyaya ako ng ate ko na mamasyal sa kabilang bayan, ang bayan ni James, fiesta daw kina James at invited daw sya. Naku! na excited ako, kasi sigurado nandon din si Benj 🤩mabilis pa sa alas kwatro nagbihis ako, kunting lipstick at pulbos lang. Apat kami sinundo ni James, si Ate , ako at dalawa kong pinsan na babae. At nan doon na nga kami kina James,doon lang muna kamo sa garden nila na meron videoke ini install ng lalaki. Maya maya lumabas si James at niyaya kaming pumasok sa loob para kumain, ang dami palang bisita sa loob, catering ang handa nila at pagkatapos namin kumuha ng pagkain ay deretso na kami sa isang bakanteng table na nasa sulok. Isang round table na may anim na chairs, ibig sabihin apat kami kaya meron pang bakanteng dalawang upuan. Habang kumakain na kami, muntik na ako mabilaukan ng nakita ko si James at si Benj na papalapit sa table namin na may dalang soft drinks, " OMG! sabi ko na nga ba nandito sya" kinikilig na sabi ko sa sarili😍nasa tapat na sila sa amin ay nakatinginan kami ni Benj sabay lapag nya ng soft drinks sa table na nakangiti 😆 at ayun na! pinakilala na ni James sa amin si Benj. At dahil kumakain pa kami, iniwan muna nila kami at bumalik sa table nila na puro lalaki. Bigla akong na busog hahaha nawalan ako ng gana dahil sa tuwa ko at pinakilala na sa akin si Benj. Hindi ko sinabi sa mga pinsan ko at kay ate na crush ko si Benj. At alam ko hindi nila nahalata yun. Pagkatapos namin kumain ay niyaya kami ni James sa garden, mag vividoeke daw kami doon, at nakita ko ang grupo nilang mga lalaki na palabas na rin papuntang garden. Sa gatden meron tent na malaki at tatlong mesa sa tapat ng videoke. Ang mga lalaki nag iinuman,sabi ni ate mga kamag anak daw ni James at kaibigan, sa isang table naman ay mga babae na mga barkada naman ng sister ni James. Nag offer sa amin si James ng beer, pero hindi naman kami umiinum ng pinsan ko maliban kay ate kaya sabi ni James ang hindi iinum ng beer ay kakanta. 😬 "Naku! pag kantahan wala akong tinatangihan" pabiro kung sagot kay James 😜 pero nakakahiya ang daming tao at nan doon pa si Benj kaya sabi ko sa sarili hindi ako kakanta. Pinasa na sa table namin ang songbook, at ang ate ko ay kumakanta na, wow! hindi sila nahiyang kumanta pati ang isa kong pinsan kumanta na rin 🤩 "Bahala na,sige na nga kakanta na ako, bat naman ako mahihiya hindi naman ako sintunado" sabi ko sa sarili ko. Patapos na ang kanta ng pinsan ko at lumapit si James kay ate, niyaya nya si ate na mag duet sila, "Moments Of Love" daw ang kakantahin nila, pero tumanggi si ate kasi hindi nya kabisado ang kanta at sinabihan nya si James na kami na lang ang mag duet. Pinilit ako ni ate na makipagduet kay James, at wala akong nagawa kundi tumayo at kinuha ang Microphone. 😬 Ayay!! nagpalakpakan sila 🤩 kahit intro pa lang ng kanta, si Benj tumayo at nagkunwaring host " Palapakan natin ang hipag ni James ! " pabirong sigaw ni Benj. Habang kumakanta kami ni James napapasulyap ako kay Benj na hindi ko sinasadya at minsan nahuhuli ko rin sya nakatingin sa akin . Hayyy! ang mga mata ni Benj mapupungay, yun bang mata na parang inaantok, parang mata ng Turkish. Yan! Turkish look ang hitsura ni Benj. Parang nasa langit ako tuwing nagkakatinginan kami ni Benj, pero bigla ko naisip, kung ang isang tao ba ay nakatingin sa yo ibig sabihin nagagandahan ito o napapangitan? 😂🤣Baka naman nakatingin lang sya sa akin kasi napapangitan sa buhok ko, o di kaya baka ang nasa isip nya itong babae ang payat 😠🤣. Kaya hindi ko na binigyan ng kahulugan ang mga nakaw na titig nya. Mag aalas sinko na ng hapon at nagyaya ng umuwi ang pinsan ko kaya nagpaalam na si ate kay James, at dahil naka inum na si James bawal na sya magmaniho kaya pinahatid na lang nya kami sa tito nya. Nang palabas na kami ng gate, narinig ko na lang ang boses ni Benj " ang aga nyo naman umuwi " napalingon kami sabay ng pinsan ko at hindi ko alam sino tinatanong nya, ako ba o ang pinsan ko. Sinagot sya ng pinsan ko na Oo hangang 5 pm lang ang paalam namin. " Mag du duet pa sana kami ni Zoe" pabiro nyang sagot sa pinsan ko sabay tapik nya ang balikat ko. Para akong nakuryente ng na touch ang palad nya sa shoulder ko 😆 " talaga ha!?! anong kanta naman Benj? !" birong sagot ko din sa kanya. Pero hindi na nya nasagot ang tanong ko kasi dumating na ang sasakyan maghahatid sa amin, at pa simpleng nagpaalam kami sa isa't isa pero may pahabol pa sya na sinabi " Kung sasama ba ako kay James sa bahay ninyo ay papasukin mo ako?, nautal ako at napasagot ng mabilis kasi aalis na ang sasakyan " Oo ba, bat naman hindi" sagot ko habang nagmamadali na akong pumasok sa sasakyan na ang ngiti ay abot tenga. 😁 Ayay!di ko namalayan ang haba na ng kwento ko. Hanggang dito na lang muna ang Part 2 ng Kwento ko. Itutuloy ko mamaya bago matulog. Ano sa palagay mo, pupunta kaya si Benj sa bahay? 🧐 itutuloy........ (image is my digital art) @ezo 8:38pm 7/17/2021
No comments yet