read.cash Log in
@zoe316 more from that month

~ Excuse Me FB hindi ako mag ka Casino ~ 😅😁 Hindi pala safe ang messenger ano? yung mga pinag uusapan natin sa chat ay nalalaman nila tas connected na sa Facebook. Di ba kayo nagtataka kung bakit sa Facebook News Feed ninyo ay kung anu anong Sponsored / Ads ang lumalabas? o kung anu anong suggestions at magtataka ka kasi yung mga gusto mo o pinag usapan sa messenger ay connected sa mga ads. At mas nagtaka pa ako kung bakit hanggang ngayon malalaman pa rin nila ang mga convo sa messenger kahit na changed ko na ang privacy settings sa Facebook ko. Ibig sabihin hindi pala gumana yun pag change ko ng settings. Kahapon natawa ako ng may lumabas na Suggestion sa FB feeds, itong online Casino (see photo) at bigla kong naalala na noong isang araw ay ka chat ko sa messenger ang friend ko. Ikweninto nya na nanalo daw sila ni hubby nya sa online Casino, tinaya daw nila ang huling pera nila na 100PHP, nagbaka sakali na manalo at swenirte naman sila dahil nanalo nga sila ng 12kphp. Biruin mo ang 100php nila naging 12k php. (haha) Akala siguro ni Facebook na nagkaka Ciasino online na rin ako kaya sinaggest nya.(haha) At hindi lang tungkol dyan. Dati naalala ko rin, yung isang friend ko, ikweninto nya sa chat na malakas daw ang ulan sa kanila at problema nya kasi may butas ang roof nila. Tapos kinabukasan kung anu anong Ads ang lumabas sa news feed ng fb ko, mga Ads ng Vulca Seal o anu-anong pang tapal ng roof kung may butas (hahaha) Kaya guys huwag kampante sa mga sekreto nyo na i share sa messenger (haha) seriously, mas mabuti na ang mag ingat lalo na yung mga personal data nyo o bank details baka ma phishing pa. Magandang Sabado ng Hapon pala sa lahat! inaantok na ako(hehe) matutulog muna ako after ko mamahagi ng t!pz, kailangan na ipa maingay para mamaya pag gising ko meron na naman laman FT!ps ( hehehe)

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.