read.cash Log in
@zoe316 more from that month

Okay lang ba ang araw nyo? Okay ba ang gising nyo? Hindi talaga natin masasabi kung ano mangyayari kinabukasan. Kagabi pagtulog ko okay naman ako walang masakit sa katawan at mahimbing ang tulog, at nitong umaga pagdilat ko ng mata habang nakahiga pa ay okay pa rin walang sakit nararamdaman, ngunit babangon na sana ako ng bigla na lang hindi ako nakagalaw. As in ang sakit ng leeg ko sa may batok pababa sa spinal cord ko tas sa left side sa likod ko. At hindi na nga ako nakabangon at makagalaw . :'( Nagkamali ako ng posture ko sa pagbangon at na trigger ang scoliosis ko. Mahigit apat na oras din ako naka hinga lang at hindi makagalaw, ang first aid ko lang ay yun rub, kung naalala nyo yung Tai Chi Ginger rub na post ko noong isang linggo? (ayan , nag endorso na naman ako nito (haha) ) Yan ang agad ko pinahid pero hindi ko pina massage kasi masama ang i massage ang spinal cord. Thanks God medyo nawala ang sakit at kahit papano nakakagalaw na ako at nakabangon. Minsan kasi nakakalimutan ko na may scoliosis ako at hindi nag-iingat sa mga galaw ko. Lesson learned ko na naman ulit to, kaya ingat na ako palagi.,,, dapat concious ako sa posture ko at galaw para iwas atake ng scoliosis.:( O sya .... Share ko lang ang breakfast ko kanin-kanina lang.... imbes lunch na sana ang i post ko pero magluluto pa lang ako. :)

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.