read.cash Log in
@zoe316 more from that month

~Ako Kaya Ay Ibigin Mo?~ •Part 5 Kumusta ang maulan na araw mo kaibigan kong maingay? katatapos ko lang mag lunch kaya it's time na para mag kwentuhan. Sana nabasa mo na ang Part 1 to 4 posted on my Channel " Meron Akong Kwento" 😊👍🏼 .. ang karugtong ng kwentong " Ako Kaya ay Ibigin Ko?" ... Sa wakas nakauwi na kami sa bahay. Pagpasok namin sa gate ay nandun ang kuya ko sa terrace na nag gigitara at nagkakantahan kasama ang dalawa nyang kaibigan na mga kaibigan din pala ni Benj, hindi na si kuya nagtaka kung bakit kasama namin si Benj kasi alam naman nya na magkaibigan si James at Benj. At dahil magkaibigan rin dati pa sina kuya at Benj ay nakipag jamming na rin si Benj sa kanila. Ayun tuloy wala ng pagkakataon si Benj na lapitan at makausap ako dahil naipit na sya sa kwentuhan at jamming nila ni kuya. Pumunta muna ako sa kwarto sa taas para kunin ang towel at maligo. Mula sa hagdan ay nakikita ko sila sa terrace, glass kasi ang wall sa pagitan ng terrace at sala, kaya nakita din ni Benj ang pagbaba ko sa hagdan at dumaan sa sala papunta ng kusina. Sina ate at James at nasa sala na at nag kwentuhan habang nanunuod ng TV. Papasok na sana ako sa bathroom, ay nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Benj. " Painum naman ng tubig Zoe". " Ikaw talaga Benj akala ko sino, ginulat mo ako" 😏 sagot ko sa kanya. Kumuha ako ng baso sabay tanong nya sa akin " Ano na Zoe... ang promise mo kanina?" ... Natawa ako na sumagot sa tanong nya " Aguy! kunwari ka pa na iinum ng tubig ha!?! iyun pala kukulitin mo na ako sa sagot ko" 😅 " Di ba sabi mo dito sa bahay mo ako sasagutin!" pabulong sagot ni Benj. " Oo nga dito sa bahay, pero huwag dito sa kusina, at ayoko na para tayo nagmamadli, gusto ko doon tayo nakaupo at relax lang na walang kaba, kinakabahan kaya ako baka bigla pumasok dito si kuya" paliwanag ko naman sa kakulitan nya😁. Kukuha na sana ako ng tubig sa fridge ng hinawakan nya ang kamay ko at kinuha nya ang baso, nilapag nya ito sa mesa at bigla nya akong hinalikan sa labi 😘😣 Isang nakaw na halik sa labi.😱 😬Maniwala ka sa hindi, para akong nakuryente hahaha hindi ko ma explain ang naramdaman ko kahit ito ay isang quick kiss lamang. Hindi ko alam magagalit ba Ako o matutuwa 🤨😜 Alangan naman eh first time na may humalik sa mga labi ko kaya ganun na lang ang pagka nervous ko😝 first kiss ika nga Ayyeeii! 😆 " Benj ano ba?! baka makita tayo ni kuya, lagot tayo ." pabulong ko pakiusap sa kanya, ang kulit nya eh pero cute. 😂 😍 🤨 "Huwag kang mag alala, ng makita kita bumaba sa hagdan ay nagpaalam ako sa kanya na iinum ng tubig at pinapasok nya ako" paliwanag ni Benj. " Sige na bumalik ka na doon sa terrace at maligo muna ako" nag bubulongan kami na para bang mga magnanakaw hahahah "Sorry Zoe, di ko lang napigilan... ilang linggo na lang kasi ang stay mo dito at babalik ka na sa Cebu, Mahal kita Zoe, I swear" iyan ang mga linya galing sa bibig ni Benj na hinding hindi ko makakalimutan. Na feel ko naman na sincere sya. 😊 At dahil nervous na nga ako kasi baka bigla nga pumasok si kuya kaya napasagot ako ng hindi sa oras " Ano pa nga ba at hinalikan mo na ako Benj, eh.. di Oo na, sige na lumabas ka na, mag usap na lang ulit tayo mamaya bago kayo umalis" 🤨😁 At muli nya akong hinalikan sa labi 😍 siguro mahigit 5 seconds 'yun halik nya sa labi ko ahahaha na tantsa ko pa talaga, then isa pang napakalamig na bulong " I love you Zoe, thank You, ang saya saya ko" .... nautal ako at napangiti lang at muli hinalikan nya ako sa noo at umalis pabalik sa terrace. 🙃🥰😱 para akong nasa heaven lumulutang sa mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang feelings ng unang halik ahaha 🙃 kahit na e Google ko pa walang ganun feelings ah! 😅😍 Pumasok ako sa Bathroom para maligo na nakangiti pa rin at di makapaniwala meron na akong boyfriend, 😬😆 Ayoko sana maligo at mag toothbrush para hindi mabura ang halik ni Benj 🤣 Yesss! so officially boyfriend ko na nga si Benj, my first ever boyfriend ay ang crush ko. Parang nanalo ako na lotto. 😍😅 Ano kaya ang mangyayari sa susunod na mga araw, magiging masaya kaya kami ni Benj hangang sa huling linggo ng Summer? wala kaya kukontra sa pag-iibigan namin? Abangan ang susunod pa na kabanata. Hangang dito na lang muna ang kwentuhan natin, salamat sa pagbasa.. magandang hapon na moisey friends! ( The image is my digital art- artscape / Rebelle4) ) @ezo 12:41pm 7/22/2021

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.