~Green Day para sa BCH ~ Bago ako mag log in dito sa noisecash ay sinilip ko muna ang kulay ng #BCH , ayayayyy pula pa ang kulay nya kaya e push ko na naman ang #greenday challenge ko para greenery na ulit ang #bch (hehehe) Ayan! berdeng berde ang kapaligiran ng larawan ko, selfie with a touch of art po. Yan ang tinatawag mysterious selfie kasi nakatalikod (hahaha) touch of art po kasi 'yang greenery background ay remix lang. Ang ganda talaga ng green, fresh na fresh ang dating, pampa good vibes ika nga. Syanga pala, pasensya na sa mga nag post dito sa channel ko "Meron Akong Kwento" kung late ko na aaprove kasi hindi ko kaagad nakikita sa "Moderation" na meron pala incoming posts. Hindi naman po kasi ako buong araw naka tutok dito sa noise.cash. Naisip ko kanina na baguhin ko ang settings ng Channel na ito to allow users to propose new post para automatic makapag post kayo at no need na hintayin ang approval ko. Pero, kapag meron post na hindi sumusunod sa rules ng Channel ay pasensyahan na po at iyong post na 'yon ay subject for removal. Uulitin ko lang po, ginawa ko ang Channel na ito para makipag kwentuhan, kaya open po ang channel na ito para maibahagi mo rin ang kwento mo. Pero hindi natin masasabi ito ay isang kwento kung ito ay binubuo lamang ng tatlo o apat na pangungusap. Ang isang kwento po ay mahaba na maaring mong buohin ng dalawang paragraph o mahigit pa. Salamat sa pagtangkilik ng Channel na ito. Tara na noisemates, magkwentuhan na tayo, nandito lang ako para makinig sa kwento mo. Magandang araw! :) #kwentongbuhay #meronakongkwento #channelupdate @ezo 10:24am 8/27/2021
3 comments
Green color is relaxing to the eye..I love color green.
I agree refreshing and relaxing color .
❤️true..