~ Ikaw At Ako ~ โข Part 1 (The image is my remix creation) Ang lakas pa rin ng ulan, sarap matulog. Pero mag kwentuhan muna tayo bago matulog. Ang kwentong ito ay karugtong pa rin ng kwentong ~ ๐Ako Kaya Ay Ibigin Mo๐ฅฐ, sana nabasa mo ang kwentong iyon. Bagong chapter na ito, ang kwento kung paano kami nagmamahalan ni Benj na ang pamagat ay, "Ikaw At Ako ". Naging magkasintahan na nga kami ni Benj, at lumipas ang isang linggo ay mas lalo naging malambing kami sa isa't isa. Halos gabi-gabi si Benj bumibisita sa bahay at alam na rin ito ng Kuya at ate ko. Iyon na yata ang pinakamasayang summer sa buong buhay ko. Damang-dama ko ang pagmamahal ni Benj, sobrang thoughtful nya at sweet kasi. ๐ฅฐ Isang araw ay bigla na lang nagpaalam sa amin ni Kuya si ate. Hindi na sya nagpaawat kasi need na nya mag enroll at may aasikasuhin pa syang problema sa isang major subject nya.Kaya mula ng bumalik na si ate sa Cebu ay mag-isa na lang si Benj na dumadalaw sa bahay. Wala na kasi si ate kaya wala na rin anino ni James. May mga araw na kami lang dalawa ni Benj sa bahay lalo na kung umaalis ang kuya ko at ang katulong namin ay umuuwi sa kanila. At dahil nga kami lang ni Benj madalas ang naiiwan sa bahay, ang tukso ay nasa paligid lamang kumakaway ๐ฌ ๐ฃ. Ay! hindi ako easy girl, kaya kahit ano pa ang pakiusap sa akin ni Benj sa mga bagay na gusto nyang mangyari ay tinatanggihan ko sya at pinipigilan ko ang damdamin ko na hindi matukso. May tiwala ako sa sarili ko at panindigan na hinding hindi ako makukuha sa bitag ni Benj. Akala siguro ni Benj na liberated ako kasi sa City ako nagdalaga. Akala nya madali nya ako maloko kasi ang pogi nya. ๐คจ Pero hanga din naman ako kay Benj, kasi may respeto din sya sa akin. Kung aayawan ko ang gusto nya ay hindi nya ako pinipilit, kaya hangang halik lang si Benj at hawak kamay. ๐ kawawa naman ๐๐ Doon ko na sukat na mahal talaga ako ni Benj at may respeto sya sa akin. Kaya mas lalo ko syang minahal. Mabilis lumipas ang mga araw at papalapit na ang pagbalik ko sa Cebu. Araw at gabi na sya pumupunta sa bahay at maraming pagkakataon na masasabi kong muntik na ako mahulog sa karisma ni Benj, pero hindi ko nakakalimutan ang promise ko sa sarili ko na hindi ako padadala ng emotion, kaya itong si Benj ay palaging bigo sa mga nais nyang mangyari. ๐ Kawawa na talaga ๐๐ Second week of May na, ilang tulog na lang ang masasayang araw namin ni Benj at ako ay babalik na sa Cebu. Parang mimiss na namin ang isa't isa at sinusulit na namin bawat minuto, oras at araw. Palagi kami namamasyal sa tabing dagat, saksi ang mga ibon at alon at ang nagmamasid na Sunset gaano kami nagmamahalan Benj. Ayyieee! ๐๐ Ayay! sobrang tamis na ng kwento i๐ stop muna natin kaingay. Ano kaya ang mangyayri sa loob ng dalawang linggo? Magiging masaya pa kaya ang natitirang mga araw nakin ni Benj? Makakabalik pa kaya ako sa Cebu?o tuluyan na kami magkakalayo ni Benj? ๐ง๐ itutuloy . . . . @ezo 10:19pm 7/23/2021
No comments yet