~Jumbo Pancake ~ Kahapon puto cheese ang request ni D'one na almusal, at ngayon gusto nya fried rice pero ang gusto ko pancake. Dahil ako naman ang magluluto kaya kung ano ang gusto ko ay susundin ko (hahaha) . Di biro lang, kahapon pa talaga ako nag cravings nitong pancake nang makita ko ang post ni @Gerl kaya sorry D'one, pancake muna ngayon ang almusal natin. Pero alam mo ang pagluluto ng pancake ang pinaka boring kasi ang tagal matapos dahil pa isa-isa mo isalang, kaya kanina ay naisipan ko na gawin jumbo pancake. Ayun! ang 3 cups pancake mixture ay 3 pirasong malalaking pancakes lang ang nagawa hahaha ang dali ko natapos, wala pang 5 minutes luto na 😄 Di ba tipid sa oras at lalo na sa LPG . (hehe) Magandang araw pala mga noisemates! ingat tayo lagi ha? 😊
1 comment
Wow it's look very special of your meal have enjoyed more his time ahead