~Pamahiin Sa Bagong Taon~ Alam mo ba kung ano ito? I mean ano ang gagawin ko dito haha. Malamang ang nasa isip mo ay magsasaing ako ng bigas na may halong mga barya (hahaha) Isa lang yan pamahiin tuwing sasapit ang bagong taon. Sa katunayan, yan bigas at mga barya na nasa larawan ay mula pa noong New Year 2019, tas dinagdagan na lang ng kunting bigas at mga barya noong New Year 2020 at 2021. At ngayon New year 2022 ay yan din ang gagawin namin, may mga barya na nakalagay sa lata tapos kakalugin namin sa bagong taon pampa -ingay at pagkalipas ng 12 midnight ay isasama na namin dito sa bigas ang mga barya tapos itatabi lang namin hanggang sa susunod na new year. Isang pamahiin yan para abunda sa pagkain at pera sa buong taon. Wala naman mawawala kung gawin mo yang pamahiin di ba? basta ang pananampalataya mo sa Panginoon ay walang makakahigit pa. Tandaan lamang na si Lord pa rin ang magbibigay sa yo ng blessings lalo na kung ikaw ay mayron mabuting ugali at pusong mapagmahal. Dasal at kunting pamahiin, eh di wow! 😄 Nakakatuwa lang nitong pamahiin na to. Dumaan ang dalawang taon na may Pandemic at nawalan kami ng kabuhayan pero abunda pa rin kami ng mga pangangailangan namin lalo na sa pera at pagkain. Ito kaya dahil sa pamahiing ito?(hahaha) Alam ko naman na lahat ng biyaya ay galing kay Lord. Gumagawa at gagawa ng paraan ang Panginoon para sa mga pangangailangan natin. Minsan nag aalala tayo, para bang wala ng paraan, pero mamamangha ka na lang at dahil may darating na biyaya na hindi mo inaasahan. Kaya yang pamahiin na yan ay masasabi ko na katuwaan lang kasi nga wala naman mawawala sa kung gagawin ko. Maliban sa bigas na may mga barya ay ugali din namin ni D'one na maglagay ng mga barya sa mga bintana sa kilid ng bintana, tapos yung mga wallet namin ay naka open yan at mga bulsa namin ay may pera kahit lang barya, tapos ang mga pagkain namin handa ay puro bilog at puno ng pagkain ang mesa. Mayroon din kami 13 fresh eggs na nakabalot ng pulang papel or any wrapper basta pula. Wala kami nyang 13 klase na prutas, oo may prutas sa mesa pero tatlong klase depende kung ano ang nabili, at isa pang kinakain namin pagsapit ng bagong taon ay hard boiled egg, health and long life daw yan. Ang isa pang pinakamahalagang ginagawa namin pag 12 am ng January 1 ay nagdadasal kami pasalamat sa nagdaan taon at mga hiling para sa bagong taon. Kaya noisemates, huwag kalimutan magdasal pag sapit ng 12 am January 1, 2022. Ikaw noisemate , may mga pamahiin ka rin bang ginagawa tuwing bagong taon? tara ikwento mo naman.😊
1 comment
Wow freind this is very special rises to eat at the dinner look very delicious too see have a enjoy