~ Simpleng Hiling ~ Gaano kadalas sinasagot ni Lord ang mga prayers mo? Nangyari na ba sa buhay mo na sinagot ni Lord agad agad ang hiling mo sa kanya? Magandang gabi noisemates! meron akong kwento tungkol sa isang simpleng hiling. Isang karanasan na hindi ko makakalimutan dahil sa isang hiling ko sa Panginoon na agad agad nya binigay sa akin, as in ora mismo. Lihim ako napapangiti sabay pasalamat kay Lord kapag naaalala ko ang tagpong iyun. Taong 2015, ako ay nagtrabaho sa City Hall doon sa Cebu. Isang araw ay hindi ako pumasok, at bandang alas 3 ng hapon ay tumawag ang sister ko, ang sister ko ay nagtatrabaho din sa City Hall pero sa ibang departamento. Tinanong nya ako kung hindi ko ba kukunin ang sahud ko. Nakalimutan ko ang araw na yun ay sweldo pala, kaya nagpasya ako na pumuta sa City Hall para kunin ang swledo, Friday kasi nun kaya kailan puntahan ko dahil kung hindi ay sa Lunes ko pa ito makukuha. Dali dali ako nagbihis at umalis ng bahay. Ang tagal ko nag-abang ng jeep, Nakalimutan ko kapag Friday pala ay punuan ang mga jeep. May kalayuan din ang bahay ko sa City Hall kaya ng makarating ako doon ay 5:10 pm na. Naku! wala ng katao tao sa City Hall, lahat ng opisina sa loob ng gusali ay sarado na. Nasa 3rd floor pa ang treasurers office kung saan ko kukunin ang sahud, at ng makarating ako Treasurers Office ay sarado na rin ito. (huhuhu) Lumabas ako ng City Hall at bago ako sumakay ng Tricycle ay umupo muna sa bench para tawagan ko ang sister ko baka kako kinuha na nya ang sahud ko. Pero ang malas nga naman, expired na ang load ko, Hayy! talaga naman Oo... kaya naisipan ko magpaload sa tindahan nasa tapat ng City Hall. Pagdukot ko sa bag para kumuha ng pera ay wala akong nakapa na wallet. Oh My! nadukot yata ang wallet ko, baka nung sumakay ako ng jeep. Pero close naman ang zipper ng bag ko at wala naman butas kaya imposible nadukutan ako, malamang naiwan sa bahay ang wallet ko. Hayy Naku! paano na ito?napakamalas ko naman sa araw na iyon. Hindi ko na nga nakuha ang sahud ko tapos naiwan ko pa ang wallet ko. Hinalughog ko ang mga bulsa ng bag at barya lang na tama lang pamasahe sa jeep. (huhuhu) paano na ako makakauwi wala akong pera pamasahe. Nanghina ako sa mga oras na yun. Tatlong sakayan pa kasi ako para makarating ng bahay. Wala man lang ako nakita na kakilala at least makahiram muna kahit pamasahe lang. Wala na talaga akong choise kundi maglakad imbes na mag tricycle mula City Hall papunta sa sakayan ng Jeep na sa tantsa ko ay may 3 kilometro ang layo. Habang naglalakad ako ay nakaramdam na ako ng pagod at uhaw, huminto muna ako saglit sa isang sari-sari store kunwari may hinihintay. Ang sarap sana uminum ng malamig na coke, uhaw na uhaw na ako kaso wala nga akong pera. ( huhuhu) ng tingnan ko ang oras ay mag aalas 6 na ng gabi, kailangan ko na maglakad ulit bago pa sumapit ang gabi. Dahan dahan lang ako naglakad sabay dasal, kinakausap ko talaga si Lord ng pabulong, yun bang para akong isang bata na nagmamakaawa sa magulang na humihingi ng pera pamasahe, sabi ko .. "Lord please .. Do something Lord, ang pera ko ay tama lang pamasahe sa jeep, sasakay pa ako ng tricycle pagbaba ko ng jeep, madilim na Lord at nakakatakot maglakad. Lord, please bigyan mo naman ako ng pamasahe kahit 20.00 pesos lang Lord, makarating lang ako sa bahay, tama na po ang 20.00 pesos, sige na Lord please".... (hehehe) para talaga akong bata na umiiyak humihingi ng 20.00 pesos kay Lord (hahaha) simpleng hiling ko kay Lord...20.00 pesos lang, sana may masalubong akong kakilala at bigyan ako ng 20.00 pesos. Ngunit wala akong nakita na mga tao naglalakad sa kalsada, puro lang sasakyan ang dumaraan at ng lumingon ako ay may dalawang lalaki na ang bilis ng hakbang, hindi naman ako natakot kasi maliwanag pa naman at may kabahayan din sa kilid ng kalsada. Patuloy lang ako naglakad at may natanaw akong puting papel sa unahan, ewan ko bakit bigla akong kinabahan ng makita ko yun papel at parang may bumubulong sa akin na damputin ang papel na yun. Naalala ko ang dalawang tao sa likod ko kaya binilisan ko ang lakad baka maunahan nila ako at maisipan din nila na damputin ang papel. Pagtapat ko sa papel ay huminto ako nagkunwari may tinawagan at hinintay ko na makalagpas sa akin ang dalawang lalake at saka ko lang pinulot ang papel na nakatupi. Hindi ko na muna ito tiningnan kung ano ang laman, pero makapal ang pagkatupi nito. Pinagpatuloy ko ang paglalakad at dahan dahan ko binuklat ang papel. Nanlaki ang mata ko at nabulaga sa nakita ko... Wow! 3 pirasong 1,000 pesos at 3 pirasong 100 pesos. My God! may laman pera 3,300 pesos ang nakatupi na papel. " Lord! salamat Lord!" wala akong ibang nabigkas kundi salamat Lord! hindi ko napigilan na tumulo ang luha ko sa tuwa. Grabe talaga gusto ko lumundag at sumigaw sa kalsada. (hahaha) Sa wakas nakarating na ako sa sakayan ng jeep, imbes sumakay ako ng jeep pauwi ay sumakay ako ng jeep papuntang simbahan para mag-alay ng pasasalamat at pagkatapos ay dumeretso sa Supermarket para mag grocery at syempre pagkatapos mamili ay kumain sa Mcdo na may malamig na coke( hehehe) Sobrang bait talaga ni Lord, biruin mo pamasahe lang hiningi ko ay binigyan nya ako ng pang grocery at may pang Mcdo pa. Walang imposible kay Lord. Alam nya ang mga pangangailangan natin. Kung meron ka man pinagdarasal at hindi pa sinasagot ni Lord, kunting pasensya lang. Alam ni Lord kung ano ang mga hinaing natin sa buhay. Ibibigay nga ito sa tamang panahon. Salamat sa pagbasa, sana ang kwentong ito nagbigay ng inspirasyon. Magandang gabi sa lahat!:) @ezo 7:37pm 8/14/2021
2 comments
Praise God nakakabless naman.tama alam ng ating Panginoon kung kelan niya tayo sasagutin ang mga prayers natin.
Amen! talaga ... walang imposible sa ating Panginoon .. basta taos puso lang tayo manalig sa kanya :) ... salamat sa pagbasa <3