read.cash Log in
@zoe316 more from that month

Happy Mother's Day sa lahat ng noisy momshie! Sana masaya ka sa araw na ito kapiling ang mga anak mo. At sa mga anak dyan... yakapin, halikan at batiin mo na si Mama mo. Kung meron ka trabaho, matutuwa si Mama mo kung may iaabot ka sa kanya kahit simple at di mamahalin bagay. Treat mo si Mama mo, maraming paraan kung paano ko sya e treat. Yayain mo sya mamasyal sa Mall at bilhan ng gusto nyang gamit, damit sapatos o kahit na ano. Pwede rin e treat mo sya sa beauty parlor, o kakain kayo sa labas. E sorpresa mo si mama, bilhan mo na lang sya ng cake o rosas kung malaki ang kita ay pwede money cake :D , kung wala ka naman budget, DIY greetings card at mga fresh na bulaklak galing sa garden. Kung wala kayong mga halaman na namunulaklak , hingi ka sa kapit bahay na mag mga halaman . hahaha para paraan lang yan basta mabati mo lang si Mama mo, isang matamis na halik at yakap sabay bati Happy Mother's Day Mama" ay napakasaya na ng Mama mo. Huwag mo hintayin ang araw na babatiin mo na sya "Happy Mother's Day in Heaven Mama" .. habang masigla pa si Mama mo, ipadama sa kanya kung gaano mo sya kamahal. :)

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.