~Buhay Sa Isla~ Ang sarap siguro mamuhay sa isla ano? lalo na mahilig ka sa seafoods at gusto mo lang simple at tahimik na lugar. Meron kasi akong kaibigan, dati ko syang kasama noong nagtatrabaho pa ako sa City Hall doon sa Cebu. Na sorpresa ako noong isang linggo nag chat kami at sinabi na nag resigned na daw sya sa trabaho at doon na sya naninirahan sa Camotes Island, Cebu. Nagpatayo kasi sila ng fiance nyang foreigner ng bahay doon kaya nagpasya syang mag resign na lang sya sa trabaho dahil on going pa ang construction ng bahay nila at mas mabuti sya na mismo ang mag supervise nito. Ang saya ng kaibigan ko sa bagong buhay nya na malayo sa syudad. Sa isla ay tahimik at sariwa ang hangin at pati mga pagkain dagat ay sariwa syempre. Ang mga larawan ay screen grab sa live video ng kaibigan ko na nasa tabing dagat . Ang sarap ng isdang Yellow fin na hawak nya , sariwang sariwa. Ang sarap mamuhay doon sa isla, malayo sa mga tao, pwedeng lumabas ng bahay na walang face mask at face shield. #islandlife #buhaysaisla @ezo 4;00pm 9/11/2021
No comments yet