~Resita ng Traditional Chinese Medicine ~ Marunong ka ba magbasa ng Chinese? Paki translate naman oh hahaha please ... Yan ang resita sa akin ni Doc. Tan na isang chinese herbalist. Ano kaya klaseng herbs ang nakasulat dito? Ganyan ang resita ni Doc. Tan, tapos pupunta ka sa Ching Tay drug store doon sa Chinatown at ibigay lang yan sa mga tindera tas ibibigay naman nila sa isang chinese na babae na sya ang taga kuha ng mga herbs at tinitimbang nya ilang grams ayon sa resita. So yong chinese na babae lang nakakabasa yang resita ni Doc kasi yung mga tindera na taga abot ng resita ay mga Filipino, may isang tindera doon tinanong ko ano anong herbs nakasulat ehhh di daw nya mabasa . Ang hirap din na umiinom ka ng gamot na di mo alam kung ano hahaha pero tiwala na lang kay Doc. Tan kasi sya naman ang expert sa Traditional Chinese Medicine.
No comments yet