~Black Forest in my Dream ~ 😅 Napasarap ang tulog ko kanina at pag gising ko wala si D'one. Aba! umalis hindi man lang nagpaalam.? pero naisip ko baka nag walking na naman. Tapos maya maya may message sya nag walking nga at nag send ng picture (hehe) at nandoon daw sya sa Red Ribbon at bumili ng cake. Tinanong pa nya ako kung ano ang gusto kong cake, sagot ko naman Black Forest., nag send ulit ng picture ng Black Forest. Sabi ko yan! yan ang bilhin mo ... ang seryoso nya sumagot ng okay kaya excited na ako sa pagdating nya... Hahaha ... ayan na nga sya may dala-dalang Red Ribbon Box at may puto pa .. Enebeyen! pagbukas ko ng box hindi Black Forest ang laman, kundi Mocha cake! (hahha). it's a prank ! lang pala :D Di bale ... at least may puto naman na mas paborito ko. Sabi ni D' one sa Christmas na lng daw sya bibili ng Black Forest. Sa ngayon yan lang daw muna na picture hahaha ... Sweet mo D' one!
No comments yet