read.cash Log in
@zoe316 more from that month

~ Ayuda Ni Tay Digong ~ Kumusta na ang maiingay kong kaibigan! Magandang Hapon! pasensya na hindi ko pa kayo nasuklian ng puso sa post ko kanina, kasi pagkatapos ko kumain umalis kaagad kami, nagmamadali ang mga kasama ko eh, meron naghihintay sa amin na blessing, bakit ko pa tanggihan . 😁 Kagabi kasi, sinabihan kami ng kapitbahay na kasali daw ako at si D'one ko sa lista, yun bang mga tao na hindi pa nakatanggap ng ayuda magmula pa noon nakaraang taon. Pangatlong ayuda na yata wala talaga kami natatanggap. 🙃 Mabuti naman at nakipag ugnayan ang Punong Baranggay namin sa DSWD , kaya yun kanina pinamigay na ang tinatawag nila " Replacements DSWD Emergency Subsidy" . Ang bigay nila ay tig 1k bawat isa na member ng household. Ehhh kung apat kayo sa isang bahay di meron ka 4 k 😁 Ang sa akin 2 k lang kasi dalawa lang kami ni D' one ko 😅. Mabuti at maaga kami pumunta doon, kaunti pa ang tao. Kayo kaibigan, nakatanggap din ba kayo ng Ayuda? ako sa wakas nakatikim din ng ayuda ni Tay Digong 😍 @ezo 5:34pm 5/23/2021

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.