read.cash Log in
@zoe316 more from that month

Taga rito ka ba? o malapit lang dito? Stateland Hills Subdivision sa Barangay Mangahan Gen. Trias Cavite.. Ito yong pinuntahan namin ni D'one na lot ng ate nya noong Friday. Ang laki ng lot 1190 sq. meters. Hindi pa sya developed na subdivision, mabibilang lang ng daliri ang mga bahay. Mostly mga warehouse at ang mga vacant lot ay ang tataas ng pader. Sabi pa ng gwardya may bahay daw si Joseph Strada dito pero di naman namin nakita kasi ang taas ng pader. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi nang sinabi ng ate ni D'one na magpapatayo sila ng asawa nya ng bahay sa lot na ito. Pinakita nya sa akin ang plano at kami na daw bahala ni D'one maghanap ng contructor at kami na rin mismo ang makipag deal sa Engineer. Hopefully pag natapos na ang CALAX (Cavite Laguna Expressway) ngayon taon, nadaanan kasi ng CALAX ang ibang bahagi ng subdivision , mabuti na lang hindi nasama ang lots nila. Sinajest pa namin ni D'one na mamaya na lang magpagawa ng bahay kung makauwi na sila sa Pinas, pero gusto na nila magpagawa at ipagkatiwala na lang nila sa amin ang project na ito. Naisip ko lang, parang nakakabahala kung kami ang makipag deal sa Engineer, alam ko kasi millions ang pag uusapan dito na pera. Mas mabuti talaga na ang ate ni D'one at ang Engineer ang mag usap at kami ay taga monitoring lang ng ongoing project. Ayoko dadaan sa amin ang pera, pero ang pangit naman kung tatanggi kami sa gusto nila. Nagpasalamat na lang kami sa tiwala nila sa amin at syempre susuklian namin yon ng kabutihan. Sabi pa ng ate ni D'one, dito din daw kami titira pag natapos na ang bahay, meron tatlong kwarto kasi ang plano ng bahay at isang kwarto ay sa amin daw tapos mag farming daw kami o kung ano pang magandang negosyo. Maganda kasi ang site, nasa main street ng subdivision at corner pa. Ang ganda ng plano ni ate, kasama kami sa mga plano nya. Umuuwi lang sila sa Pinas every 2 years at mag stay ng 2 months lang at babalik na ulit sa US. Wala kasi to silang anak at si D'one ay bunsong kapatid nya kaya lahat ay pinagkatiwala nya sa amin. Hindi ko lang ma imagine sakali matapos ang bahay at dito na kami titira, ang tahimik pa kasi ng lugar, nakakatakot pag gabi tas ang layo sa mga stablishment at isa pa malayo na sa trabaho ni D'one. Dalangin ko na lang sa Panginoon na gabayan Nya ang lahat ng planong ito at sana patnubayan ni Lord ang mga desisyon namin sa buhay.

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.