Nais ko lang ibahagi itong larawan na kuha ko kanina. Kukunan ko sana ang langit dahil maganda ang panahon ngunit meron mga pasaway na mga kable ng kuryente, pero kinunan ko pa rin ng litrato para maiba naman.😀 kahit papano magandan pa rin naman ang larawan kahit magulo ang mga kable ng kuryente, isang simpleng larawan pero may kwento ng buhay. 😁ang lawak ng imahinasyon ko sa larawang ito😄 Ang magulong kable ng kuryente na yan ay parang buhay ng tao. Magulo na minsan mahirap intindihin ang sitwasyon, hindi mo alam kung ano ang nangyayari, hindi mo alam kung ano ang susunod na gagawin. Pero sa kabila ng magulong buhay ang lahat ay malalampasan mo kung ibahagi mo sa Panginoon ang lahat. Ipahayag ang iyong nararamdaman at sabihin sa Kanya ang iyong mga pangamba. O sige na noisemates, bago pa ako mag ala Charo Santos 😃 mamimigay pa pala ako ng pagmamahal sa inyo, isang araw din ako di nakapag ingay sa sobrang bagal ng internet.😑
1 comment
Good morning sissy. God bless and keepsafe