read.cash Log in
@zoe316 more from that month

~ Naalaa ko lang ~ Malamang nakikita mo rin itong scene dati sa Trinoma Mall doon banda sa Landmark. Di ba tuwing Linggo meron tumutogtog na banda gamit ay Trumpet at Saxophone at mga lumang musika ang tinutogtog nila. Ang ingay di ba? at ang dami tao nanunuod. Nakakamiss na gumala sa Mall, lalo na ang food trip hehehe. Minsan ayoko na mag scroll sa gallery, sumisikip lang ang dibdib ko pag nakakakita ng mga lumang larawan sabay buntong hininga at tanong sa sarili kelan kaya matatapos itong Pandemic para magawa na narin ang dating gawi. Oo minsan napapangiti rin tayo ng mga lumang larawan lalo na kung maalala mo na masaya ka sa moment na yun. Salamat sa lumang larawan. Kahit papano may babalikan na alaala ng kahapon.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.