Breakfast on the go.... Maulan na umaga noisemates! Kumusta na? ako ok naman, salamat kay Lord 😇 sana ok din kayo. Maaga kami umalis ng bahay kanina at hindi nakapag almusal at buti na lang may nadaanan kaming bakery kaya bumili na lang kami ng pandesal kasi medyo nagutom na ako at may kalayoan pa ang pupuntahan namin. Kung di lang sana bawal sa akin ang pagkain sa fastfood sana mag drive through na lang , kaso bawal na eh 🤐😔 Sana hindi lumakas ang ulan lalo na doon sa Metro Manila. Pagdating kasi doon sa Quezon City dadaan lang kami sa Trinoma para mag park ng sasakyan, iwanan namin doon tapos sasakay na kami ng LRT papunta sa clinic, wala kasi parking area doon sa pupuntahan namin. Mahigit isang buwan na ako pabalik balik sa clinic, Lord sana tuloy tuloy na ang magandang epekto ng treatment ko, gabayan mo kami lagi tuwing pupunta kami doon. 😇 O sya noisemates.. kain muna ako ng pandesal, sarap nito e sawsaw sa kape, maki sawsaw lang ako sa kape ni D'one kasi bawal mag kape...hahayyy! puro na lang bawal 😁 kaya tuloy ang payat ko na kasi halos lahat ng masarap ay bawal 😖
2 comments
Iba talaga ang sarap ng pandesal sa umaga.
Tama ka sis, hanap hanapin talaga natin mga pinoy ang pandesal 😊