~Ikaw At Ako ( Paalam na aking mahal) •Part 3 •ang larawan ay likha ko na remixed Ang lakas na naman ng ulan, makakatulog ako nito ng mahimbing. Pero bago ako matulog magkwentuhan muna tayo kaibigan. Sana nabasa mo ang mga naunang yugto ng kwentong ito na mababasa mo dito sa Channel "Meron akong Kwento". ... ito na ang part 3 ng kwentong " Ikaw at Ako". Hindi pa rin nalaman ng Dad ko ang tungkol sa amin ni Benj, at hindi rin naman ako nahuli ni Dad kung saan ang tagpuan namin ni Benj. Isang tulog na lang at babalik na sa Cebu sina Mom at Dad, at kung sasabay ako sa kanila? 'yan ang hindi ko pa alam. Sakali man babalik na rin ako sa Cebu, ibig sabihin iyon na ang huling gabi namin ni Benj. Sa huling gabing iyon ay ako lang mag isa sa bahay, invited kasi sina Dad at Mom na mag dinner sa bahay ng Uncle ko. Hindi ako sumama sa kanila kasi inaasahan kong darating si Benj. At dumating na nga si Benj, niyaya ko sya doon sa garden nila Nene kasi baka biglang bumalik sina Mom at Dad, ngunit mas gusto ni Benj na doon lang kami sa garden namin mag kwentuhan. Habang nasa garden na kami, hindi pa nga kami nakakaupo ay bigla nya ako niyakap ng mahigpit, isang mahigpit na mga yakap na til bang nagsasabi " paalam na aking mahal", iyun na kasi ang huling gabi namin na magkasama. Sinulit namin ang mga natitirang sandali. Hindi ko napigilan na tumulo ang mga luha. Na miss ko na si Benj, kahit nasa tabi ko pa sya, paano na kaya kung magkalayo na kami. Parang hindi ko kaya na mawalay kami sa isa't isa. Hinalikan nya ang pisngi ko na basang basa pa ng luha at pinunasan nya ito nga palad nya at kita ko rin sa mga mata nya na tila ay naluluha na rin. Ngunit bago pa man tuluyan tumulo ang mga luha nya ay may binulong sya sa akin. "wag ka na lang kaya muna sumabay sa kanilang pag-alis bukas, gusto pa kita makasama kahit man lang isang linggo" ang pakiusap nya sa akin. " Iyan din ang naisip ko Benj, gusto pa rin kita makasama, hayaan mo at sasabihin ko kina Mom na hindi muna ako sasabay sa kanila" ang seryosong sagot ko sa kanya. " Halika, doon muna tayo sa loob ng bahay nyo,baka kasi hindi ka payagan na maiwan bukas... ito na ang huling gabi natin at gusto ko ito rin ang pinakamaligayang sandali natin dalawa" ang napakatamis at malamig na boses na bumulong sa akin. Iwan ko ba kung bakit pumayag ako na pumasok sa loob ng bahay, walang ibang tao kundi kami lang. Parang may magnet na humila sa amin papasok ng bahay. Naku! ang tukso nan dyan lang sa loob kumakaway at nagmamasid. At ng kami'y nakapasok na ay muli nya ako niyakap ng mahigpit sabay ang halik sa mga labi, at di namin namalayan nakaupo na kami sa sofa na tila bang kaming dalawa lang ang tao sa mundo. Hindi ko na naisip na baka biglang dumating ang Kuya ko o sina Dad at Mom. Muntik na nga mangyari ang hindi dapat mangyari ..... "Teka Benj sandali! baka bigla dumating sina Mom o si Kuya" ang pakiusap ko kay Benj at bigla ako tumayo. "Hindi pa yun darating maaga pa at kakaalis lang nila di ba!" paliwanag ni Benj na may halong lungkot sa mga mata nya. itutuloy.... Ano pa kaya ang nangyari sa huling gabi namin ni Benj. Nahuli kaya kaming dalawa? Nakauwi kaya ako sa Cebu kasabay nila Mom? Abangan bukas ang huling yugto ng kwento ko "Ikaw at Ako". Salamat sa pagbasa kaibigan. Magandang gabi sa lahat. @ezo 11:26pm 8/01/2021
No comments yet