read.cash Log in
@zoe316 more from that month

Ang ganda ng langit kaninang madaling araw. Alas kwatro pa lang gising na kami, maaga kasi umalis si D'one. May umarkila ng Van papunta resort, ibig sabihin may maagang pumasok na blessings sa araw na ito, thank You Lord! :) Buti naman at malapit lang ang resort at makakabalik agad si D'one kasi kung malayo tiyak doon din sya mag overnight at hindi ako papayag. :) Kagaya last week, may aarkila din sana ng Van. Naku ang layo sa Batangas daw for 3 days sa beach, mag Team building daw doon. Di ako pumayag( hahaha) bahala walang kita. Sayang nga naman ang 4k per day, pero hindi mababayaran ang pag-aalala ko kay D'one within 3 days nandoon din sya sa resort kasama mga taong di nya kilala, naku sigurado may mga chicks doon hahaha ang dami pwedeng mangyari sa loob ng tatlong araw. ( haha) grabe ang advance ko mag isip. Pero maliban sa chicks, nag aalala din ako kasi alam naman natin meron pang Covid ngayon at hindi pa bakunado si D'one. Mabuti na ang mag ingat. O sya! mag aalmusal muna ako, napa aga tuloy ang kwentuhan natin. Happy sunday sa lahat! ingat ha?!?

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.