After 24 years ngayon lang ulit naka hawak ng phone 😂 este 24 hours lang pala haha Nabusy kasi kaninang umaga at after lunch naman ay umalis kami para maghanap ng pakwan 😁 akala mo naglilihi ng pakwan haha nag crave ako ng pakwan yun bang mapula at matamis tas malamig uuhmmmm ! sarappp! pero nabigo ako dahil wala kami nakitang pakwan sa palengke o kahit sa sidewalk. Pupunta pa sana kami sa ibang bayan kung saan mah malaking palengke ngunit nang makita ang kalawakan na tila ba ang kapal ng ulap at kumukulog ay bigla ko naalala ang mga sinampay ko 😂😉 kaya dali dali ko pina U turn si D'one at umuwi na lang kami. False alarm pala, pagdating namin sa bahay biglang nag iba ang ihip ng hangin, pero ta least nailipat ko na ang mga sinampay sa safe na sampayan na may bubong, pwede na ulit kami umalis 😁
No comments yet