•D'one: Saan ang ulam? •Ako: Nasa 3rd floor! 😄😂😁 Super like ko talaga itong 5 layers food storage. Matagal na to naka tambay lang sa Cart ko sa shopee kasi nag alanganin ako baka hindi worth to pay ang quality nya. Pero naisip ko na useful talaga sya sa mga tirang pagkain na hindi na kailangan e keep sa fridge kaya binili ko na. At ito na nga dineliver na noong Sabado at safisfied ako sa quality nya at size. Kasya talaga ang pinakamalaki bowl at medium size na plato. Una nahirapan ako i install pero na buo din naman. Ang laki talaga ng gamit nya hindi ako nagsisi na binili ko to. Nagustuhan din ng ate ni D'one kaya balak ko sa birthday nya ito na lang ang ireregalo ko sa kanya, i surprise ko lang sya. 349pesos ang bili ko nyan, pero nang e check ko ulit kanina tong product same Shop ay 275.00 na lang. Tsk! tsk! nag sale yata sila.😐 Natatawa ako nitong food storage kasi minsan may hinanap na pagkain si D'one sabi ko sa kanya, tingnan mo sa 5th floor kung wala baka nasa 3rd floor, tas pabiro naman nya sagot "Naku mag elevator pa ako nito!( hahaha ). Kaya pag may hahanapin ulit sya na ulam ang tanong na nya ay " Anong floor nakatago ang ulam?hahaha 😂😄😅
No comments yet