Sa halip na choco drink o gatas ay itong Turmeric tea na ang inimom ko tuwing umaga. Nasanay na akong uminom nito partner sa ano man pagkain sa oras ng meryenda at sa almusal. May magandang benipisyo din kasi itong turmeric sa ating katawan at maliban doon ay bawal na ako sa gatas, kape at choco drink gaya ng Milo.🤐 Kumusta ang araw mo noisemate? kumusta ang paghatid sundo ng mga anakis sa school? nabangit ko yan kasi malapit lang amg bahay namin sa Elementary School , dalawang bahay lang ang pagitan kaya yan ang nakikita ko araw araw sa umaga papasok ang mga bata at sa oras ng uwian, busy ang mga momshie sa paghatid at sundo. :) O sige na noisemates, mag almusal muna tayo bago umpisahan ang mga gawain bahay. Magandang umaga! 😊😘
6 comments
Hindi ba yan sobrang tamis mate? Kasi yung pa free taste sa mall natatamisan ako.
Hindi naman Lodz, tama lang kasi nilalagay ko sa isang tasa... tama ka yung sa Mall na sample matamis nga, siguro maraming nilalagay nila.
Kaya hindi ako bumibili sa mall natatamisan ako. Parang yung lily's salabat matamis na din. Kaya nahinto na ko sa pag inom ng turmeric tea.
Maganda yang turmeric sis healthy pa inumin.Akin naman salabat ayaw ko kasi magkape na.Every weekdays ganyan na routine ang maghatid sundo sa mga bata sis.Antahimik tuloy ng bahay namin at ako lang naiwan mag-isa.
Pag nauubusan ako ng Turmeric sis ay Salabat ang umiinom ko, yung fresh ginger na binababad ko lang sa mainit na tubig tas kunting honey...
Healthy nga inumin ang turmeric tea.