read.cash Log in
@zoe316 more from that month

~Ako Kaya Ay Ibigin Mo?~ •Part3 Hey there maiingay kong kaibigan! kumusta na ang weekend nyo? Tara habang nag e snack ay mag kwentuhan tayo. Ito na ang Part 3 ng nakakakilig kong kwento " Ako Kaya Ay Ibigin mo?" Sana nabasa mo ang Part1 at Part 2 para maka relate ka kaibigan. 😊 itutuloy na natin .... Dalawang linggo ang nakaraan mula sa pangyayaring iyon ay hindi ko na ulit nakita si Benj. Sabi nya sasama sya kay James kung ito ay bibisita sa ate ko.😏Si James ay palaging dumadalaw kay ate tatlong beses sa isang Linggo, nahiya naman akong magtanong at kumustahin si Benj, ayoko maghinala si James na may crush ako kay Benj at lalo ayaw ko malaman ni Benj na may crush ako sa kanya. Isang hapon nagising ako sa ingay ng talbog ng bola, si kuya yata nag lalaro ng bola sa labas, pero ng lumabas ako ng kwarto ay nakita ko si kuya sa terrace na naghuhubad ng sapatos nyang pambasketball, at nagulat na lang ako ng makita ko rin si Benj may dala dalang bola. Dali dali akong bumalik sa kwarto para magbihis at mag suklay at pulbos man lang 😜Ayokong makita ako ni Benj na naka pajama at t shirt na maluwag. Mukha akong scarecrow sa suot ko hahaha. Nang lumabas ulit ako ay syang pagpasok nilang dalawa ni kuya, natigil sya ng makita nya ako sabay bati ng kumusta at si kuya naman ay dumeretso sa kusina. "Mabuti naman ako, Ikaw kumusta na mula noong fiesta? dalawang linggo yata ang hang over mo noong fiesta ah" biro kong bati at tanong sa kanya. Ikweninto nya na after daw ng fiesta ay nabusy sya kasi dumating ang tita nya at ginawa syang alalay kung saan saan magpunta. " Hindi nga ako nakasama kay James na pumunta dito gaya ng sinabi ko sa yo" paliwanag ni Benj. "at least nakapunta na ka ngayon dito at mabuti at naabutan mo si Kuya, palagi yan wala dito sa sabi ko sa kanya. " eh hindi naman si kuya mo ang sadyo ko ah" mahinang boses nya, ayaw nya na marinig ng kuya ko. Ang tagal bumalik ng kuya ko, naririnig ko na lang sa kusina at may piniprito ito. Niyaya ko na lang si Benj na umupo sa terrace at doon na hintayin si kuya. Habang wala si kuya kinausap ko na lang sya, respeto ko bilang bisita. Hayy! buti na lang at nakapag ayos ako sa sarili ko, hindi ako mahihiyang humarap kay Benj. Ang poge nyang naka jersey na kulay green, Larry Bird pa yata ang jersey nya, pero alam ko hindi nya nahalata na kinikilig na ako sa mga oras na iyon, magaling kaya ako mag tago ng crush feelings 😆. "Alam mo paborito ko yang kulay ng jersey mo" kwento ko sa kanya para walang dull moment. " talaga? pareho pala tayong green lover" sagot nya sa akin. Iba't ibang topic na ang kwentuhan namin hanggang sa isang biro nya " alam mo ngayon ko lang naalala noong high school pa kami ng kuya mo pumupunta ako dito minsan at nakita na kita dati, ikaw nga yun dating napakapayat na sipunin pa na kulot ang buhok" 😅 pabiro nyan kwento sa akin, at sinagot ko naman ng pabiro din , " ehh at least ngayon hindi na sipunin at rebond na ag buhok ngunit payat pa rin" 😅 ang dami namin tawa na para bang close na kami😆 " okay lang na payat ka sexy naman, lalo na naka skiny jeans, mapapalingon talaga ang makasalubong mo", nag blush ako sa sinabi nya, sexy daw ako,, Ayay! 1 point! 🤣 Natapos na si kuya magluto, french fries pala ang hinanda nyang snack, nagpaalam muna sya at bibili daw ng coke. Sana magtagal si kuya at ng ma solo ko muna si Benj🤩 kaso nasa tapat lang ang tindahan. " Nasan nga pala ang ate mo?" tanong ni Benj. " natutulog, kasi alam mo mamayang gabi bibisita na naman si James hanggang alas dyes.. kaya ayon binawi na nya ang tulog para mamaya" sagot ko sa kanya. " Bat ikaw ayaw matulog? matulog ka na rin kaya muna Zoe" seryosong payo nya sa akin. Akala ko gusto nya akong matulog para tumaba 😂 hindi na ako nakaimik at si kuya ay pumasok na sa gate. "Ayan na pala ang kuya mo, Zoe, mamaya babalik ako ha? sasabay ako kay James pagbisita nya sa ate mo" pabulong sabi ni Benj kasi nan dyan na si kuya sa pinto. Ngumiti lang ako at ramdam ko ang kabog ng dibdib ko sa tuwa, di ko na sya nasagot sabay dampot ng french fries at iniwan ko na sila. Oleyyy! di ko mapigilan ngumiti habang papasok sa kwarto ko.😍 Para akong nasa cloud9 lumulutang sa saya. 😁 😍 Ito na kaya ang hinhintay ko na mangyari? liligawan kaya nya ako? ano kaya ang gagawin ko kung sakali manligaw sya? sasagutin ko ba agad sya o magpakipot muna? And daming tanong sa sarili, first time ko kasi may manliligaw na crush ko. Meron ako manliligaw pero di ko type, kaya sobrang na excited ako kay Benj. 😍 Hanggang dito nalang muna ang Part 3 ng kwento ko kaibigan. Sa palagay mo babalik kaya sya mamayang gabi? Hhmmm ayaw ko umasa tapos wala naman pala, ang sakit kaya pag umasa ka sa wala. itutuloy natin ang Part 4 ng kwentong mamaya ha? Magandang hapon! ( image is my digital art) @ezo 5:00pm 7/18/2021

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.