~Suapect Ang Pusa~ Meet Sassy! ang bagong laba na pusa na ginamitan ng zonrox (hahaha). Naisip ko lang, mukhang bagay sa kanya ang kulay green( hahaha) bibili ako ng green dye bukas tapos sya ang model ko sa green day challenge (hahaha) just kidding guys. Speaking of pusa. Kaninangnumaga pag gising namin, may naamoy kaming mabaho, kaya pina check ko kay D' one ang mga kuting na anak ng stray cat baka patay na ang mgat ito. Doon kasi banda ang masangsang na amoy kung saan sya nanganak, hindi na rin namin naririnig ang iyak ng mga kuting kaya iyon talaga ang suspect namin, may decorative kasi ang wall ng kusina kay baka kako doon pumapasok ang amoy dala ng hangin. Ngunit ng sinilip ni D' one ang mga kuting ay gumagalaw naman ito, kaya ibig sabihin buhay ito at hindi doon galing ang amoy. Nagkamali kami ng suspect( hahaha) Nag-isip kami ng second suspect. Wala na kaming ibang maisip kung ano ba talaga ang mabaho na tila bang patay na hayop, at nagduda na kami na baka nakasalisi ang stray cat na yon at pinasok sa loob ng bahay ang isa nyang kuting at namatay ito sa loob ng bahay. Sinilip namin sa ilalim ng mga cabinet sa kusina at ilalim ng mga appliances pero wala kaming nakita. Kaya malamang sa labas nga nanggaling ang amoy at kung amo ito ay hindi namin alam. Para hindi na pumasok ang amoy galing sa labas, ginawan na namin ng paraan ang decorative, tinapakan ito namin ng duct tape lahat ng butas. Tuwang tuwa na kami kasi di na makakapasok ang masangsang na amoy, nag spray na ako ng Glade. Noong una ay mabango pa dahil sa glade, pero after few minutes lang ay may amoy na naman. Nakita ko na may kunting singaw pa ang decorative banda itaas, mahirap ito abutin kaya tumungtong ako sa chair para maabot ko at nilagyan ko na ng duct tape. Bago ako bumaba ng chair, ay lumingon ako sa storage cabinet, at di ko sinasadya may nakita ako sa taas ng cabinet, isang pirasong salted egg na parang basa nakalagay sa tray na open. "Ayay! alam ko na kung ano ang masangsang na amoy" sabi ko kay D' one. Nagtaka si d' one kung bakit tawa ako ng tawa. " ano nga? " tanong ni D'one. "Ayon oh! ang itlog maalat mo ! hahaha" . Kinuha ni d'one ang itlog " ito nga! hahaha naging suspect pa natin ang mga kuting, nandidito lang pala ang masangsang na amoy na to" dali dali nya itinapon sa basura sa labas" . Tawanan kami ni D' one kasi naging suspect pa namin ang mga kuting iyon pala ang itlog lang na pula. Hayyy sa wakas, mabango na ulit ... ayaw na ni D'one bumili sa Supermarket ng itlog maalat o kahit na itlog, ayaw na nya na nakalagay sa tray at naka sealed kasi hindi ma check kung basag ba ang mga ito. Iyan ang lesson learned namin sa araw na ito, never na kami bibili ng itlog sa supermarket. Magandang gabi noisemates! #cutekitten @ezo 8:05pm 8/16/2021
2 comments
ahahaha, kukulayan mo sya sis?! maganda yan green cat! ahahaha all for the love of photography😉☺️👍 Naku sis, mabaho talaga yang itlog kapag nabubugok. Buti nahanap mo din ang culprit, yong itlog na nananahimik lamang pala, sarap ng upo nya sa tray naghahasik ng lagim na pala😄
ahaha sya lang pala ang salarin, ang nakaupong itlog sa tray hahaha