Ang lakas ng ulan kanina at naisipan kong kunan ng picture sa tapat ng bahay. Wala kasi akong maisip na content kaya nang bumuhos ang ulan ay lumabas ako at sumilip sa gate para lang picturan ang ulan haha Minsan binabaha dyan sa tapat lalo kung sobrang lakas ng ulan tas maraming bata naliligo at naglalaro sa baha :D naalala ko tuloy noong bata pa ako doon sa probensya, naiingit ako sa mga kaibigan ko naliligo sa ulan lalo na nasa kalye sila naglalaro habulan at nagtatampisaw sa baha :D alam mo naman ang mga bata ang saya pag naliligo sa ulan kaya nakakaingit haha. Iyan ang hindi ko naransan noong bata ang maligo sa ulan sa kalye haha payagan man kami ni mom maligo sa ulan pero doon sa likod-bahay.haha
No comments yet