read.cash Log in
@zoe316 more from that month

Owww! ang aga pa, 5:06 gising na ako. Pilit kong matulog ulit pero ayaw na ng isip ko, ang mga mata ko ay mabigat pa at nakapikit pa pero kinukulit ako ng isip ko na bumangon na at kumain ( hahaha) Gutom!!! Ito lang muna tinapay at gatas. Habang kumakain eh di mag post muna. Naaalala ko nanaginip ako kagabi pero hindi ko matandaan. Ang ganda pa naman ng panaginip ko kasi numero, sayang di ko talaga matandaan. Dati, meron kaming kasambahay nanaginip sya ng numero, buti natandaan nya ang limang combination maliban sa pang anim, tinayaan nya ito sa lotto. Aba! biruin mo nanalo sya ng 5-digit, kung naalala lang sana nya ang huling numero nakuha sana nya ang jackpot. Muntik na! kasi ang huling numero nya ay 8 tapos ang nasa resulta ay 38. Pagkatapos ko kumain matulog ulit ako, baka managinip na naman ako ng numbers kaya itabi ko na ang ball pen at papel para isulat ko agad.... joke! ( hahahaha) Nangyari na ba sa yo ang managinip ng numbers tapos tinayaan mo sa lotto tas nanalo ka? O sige na noisemates, dinadalaw na ulit ako ni Mang Antok, mamaya na lang tayo magkwentuhan at ako ay babalik na sa bed. Magandang umaga! Happy blessed Sunday! @ezo 5:55am 8/22/2021

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.