Ang Mapa at Rota ng LRT Stations.... Ang mga larawang ito ay lumabas sa fb memory ko, unang beses ko sumakay ng LRT. Haha natatawa ako pag naaalala ko yun. Dati kasi kung pupunta kami sa Divisoria ay sinasadya namin sumakay lang ng LRT, gusto ko kasi ma experience din paano sumakay sa LRT. Sa mga nakikita kung scene sa pelikula na siksikan ang mga tao habang nakatayo lang ang iba at halos magkadikit na ang mga mukha hahaha nagpapalitan na ng hininga at kung bigla hihinto ang train ag tiyak maghalikan kayo ng kaharap mo.hahaha Iyong mga eksenang iyon ay di ko akalain totoo pala. haha Kinakabahan pa ako nun kasi feeling ko mahuhulog ang train, panay ko lang ang dasal may dala-dala pa akong rosary. :D tapos sa tuwing hihinto ang train sa station ay tinatanong ko kay D'one kung pang ilan station na hahaha Ang dami kasi station. Para akong bata napaka curious ng mga tanong kay D'one, kaya sabi nya na mabuti pa kuhaan ko daw ng picture yung mapa at rota ng train para sa susunod alam ko na daw kung anu-ano ang mga stations at para na rin pwede ako na lang mag isa pupunta sa Divisoria hahaha Kaya ito na nga yun picture ng mapa at rota ng LRT haha ngayon alam ko na kung anong station ako sasakay at bababa papunta divisoria :D ... Pero mula nung nagka pandemic ay hindi na ulit ako nakasakay ng LRT o MRT. Maganda na ngayon bumeyahe sa train kasi hindi na katulad dati na siksikan, maluwag na ngayon kaya gusto ko na ulit sumakay sa LRT o MRT hehe
No comments yet