Barquillos at Banana Chips Maliban sa kakanin ay bumili rin kami nitong Barquillos at banana chips para dalhin sa pag-uwi. Pasalubong ko sa sarili ko hahaha.. Wala naman kasi tao naiwan sa bahay kaya hindi to matawag na pasalubong ano? kaya ang tawag ko dito ay pabaon sa sarili haha "yan di ko napigilan binuksan ang isang pack ng barquillos, ginawa kong panghinagas. Pinagtawanan na naman ako ni D'one, ang dami ko daw pinamili na pagkain... parang bata daw ako, sabi ko naman bakit.? bata lang ba ang kumakain nito? haha paborito ko kasi itong barquillos, sarap nito sa ice cream ano? Mamaya na pala 3 pm kami uuwi, tama lang mahigit tatlong oras ang byahe mula dito Pangasinan to Bulacan. God's will nasa bahay na kami by 6pm. Kumusta ang hapon mo noisemate? umuulan ba dyan sa lugar nyo? sana hindi umulan para maganda ang byahe namin. :)
No comments yet