~ Pink Challenge ~ Halos lahat ng open challenges this week sa Twenty20 ay sinalihan ko at itong Pink Challenge na lang ang hindi pa. Naghanap ako ng pink na larawan sa gallery pati na sa Fb albums ko pero wala talaga ako nakitang picture na may pink color palette. Grabe mahigit 5k ang pictures ko sa phone gallery wala talaga kahit isa, most of my photos kasi ay greenery , sunset, beaches at kung anu ano pa na hindi pink. Naghanap na rin ako ng mga bagay na pink dito sa loob ng bahay pero wala (hahaha) Ehhh paano ako makakhanap dito ng pink sa bahay kung green lover ako, puro green ang mga gamit ko dito sa bahay lalo na sa kusina. Pero teka!! meron ako naalala na gamit ko na pink ang kulay ( hahaha) hulaan mo kung anong pink meron ako ....... underwear !!! ( hahahaha) Iyon na lang kaya ang picturan ko tas i submit sa challenge( hahaha) tas bubutasan ko para funny na rin .. Naku! tiyak mananalo yon! ( hahaha) just kidding noisemates! pinapatawa lang kita. :D Pero seryoso, hindi ako titigil maghanap ng pink na bagay. Maari din bibili ako ng pink na bagay o pagkain kaya. May oras pa para maghanap, 5 days to enter pa ang challenge na to. #challenge #pinkphoto @ezo 10:46am 8/21/2021
No comments yet